Chapter 29

399 10 1
                                    

"Alam ko na kung sino ang nagpapatay sa'yo!",

Saad ni Ken. At kitang kita ko mula sa tono ng boses niya ang galit. Nakakumos din ang kamao niya. Hindi ko maintindihan ang lahat ng nangyayari ngunit walang salita na lumalabas sa bibig ko. Hindi ko akalain na kilala niya si Stell! pero paano!?

Napalunok ako nang lumingon si Ken sa direksyon ko at pareho kaming gulat na gulat na makita ang isa't isa.

"A-anong ginagawa mo dito!?",ako ang unang nagsalita at sa wakas nagkaroon ako ng lakas ng loob para magsalita. Nawala bigla ang reaksyon niya sa mukha at napatingin sa puntod ni Stell. Tiningnan ko ulit yung puntod ng mabuti baka sakaling nagkakamali lang ako ngunit hindi!

"Binibisita siya",mahinahon niyang tugon at tinalikuran ulit ako at kasalukuyan siyang nakayuko sa puntod. "P-pero paano!?,paanong k-kilala mo siya!?",sobrang naguguluhan ako sa mga nangyayari.

"A-at ano yung sinabi mo. N-na kilala mo kung sino ang nagpapatay sakanya? a-anong ibig mong sabihin!?",hindi ko na maiwasang magtanong ng sunod sunod. Ngunit nanatili siyang tahimik.

"You're right. I know him. At matagal na din kitang kilala", natigilan ako sa sinabi niya.?

KILALA NIYA NA KO NOON PA MAN!?PERO PAANO!!?!?

Nacecreepyhan akp dahil sa kinikilos niya. Mukhang hindi siya yung Ken na nakilala ko. Ngayon ay punong puno siya ng galit at gusto niyang maghiganti. At ngayon sasabihin niya na kilala niya ako noon pa man!?

"He is your ex boyfriend right?",mahinahon niyang tugon habang hindi pa 'rin ako linilingon. Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Mukhang alam na alam niya ang bawat detalye ng buhay ko. Napahawak din ako sa dibdib ko na ngayon ay sobrang bilis ng tibok.

"Napakabuti niyang kaibigan. Hindi ko alam na bigla na lang siyang mawawala dahil pinapatay siya.",nanatili lamang akong tahimik habang nagsasalita siya.

"Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko.",aniya at naramdaman ko ang pagharap niya sa'kin "Kung sino ang nagpapatay sakanya", tumingin siya ng diretso sa mga mata ko habang sinasambit 'yon kung sino ang nagpapatay sakanya

Parang may ibig sabihin ang mga tinging 'yon. "T-tell me!? sinong nagpapatay sakanya!?",hindi ko na maiwasang maiyak dahil sa galit na bumabalot sa'kin.

"This is not the right time para malaman mo. Maghahanap ako ng sapat at pinaka matibay na ebidensya na siya nga ang nagpapatay sa'yo",saad ni Ken at lumingon siya sa puntod.

Nanatili akong nakatulala habang naglalakad si Ken papalayo sa akin. Hindi ko na nagawang habulin siya,pigilan o magsalita.

Naiwan ako habang nakatulal sa puntod. Naramdaman ko nalang na umiiyak na ko at tumutulo ang mga luha ko sa puntod niya. Ng taong mihanal ko.

Muli na namang bumalik sa'kin ang lahat ng alaala niya ngunit bakit mas gumagaan ang pakiramdam ko?hindi na tulad noon. Sumasagi sa isip ko na isang napakagandang alaala noong nabubuhay pa siya.

"Sobrang ganda mo",aniya habang nakatingin kami sa langit na puno ng mga bituin. Nakatingin kami sa buwan na binabalot ng dilim. Liningon ko siya at nakatingin siya sa akin. Agad naman akong napangiti.

"Yah,those stars and moon are so beautiful",saad ko pa at masayang tinitigan ang kalangitan "Yeah,and it's you",saad pa ni Stell na nanatili sa'kin ang paningin.

"Para kang mga bituin at buwan. Kahit pa gaano kadilim ang nasa paligid mo. Hangad ko na gayahin mo sila. Manatili kang kumikinang",saad niya.

A Home With You[Ken Suson FANFIC- COMPLETED]Where stories live. Discover now