Chapter 24

2K 46 3
                                    

Jessey's POV


"RIRI!"


Wala akong ibang makita, kundi siya. Siyang bumagsak sa sahig. Siyang napahawak sa tuhod niya. Siyang umiiyak. At siyang si Riri.


Napako ako sa kinatatayuan ko. Alam kong dapat ko siyang lapitan ngayon, pero hindi magawa ng paa kong humakbang. Napatingin ako sa kabilang side ng net at nakita kong napatakip ng bibig si Mika, napaluhod si Ara na tila bang gustong tulungan si Ria, at mukhang concerned naman ang ibang Lady Spikers. Napatingin ako sa crowd at nakita ko ang mommy ni Ria na sobrang nag-aalala. Nginitian ko naman siya ng malungkot at ibinalik rin naman niya sakin. Sobrang tahimik at hindi ako matatauhan kung hindi ko lang napansin si Tita Mozzy na nagsalita.


"Ria Meneses is down. We all hope this is nothing serious." Tita Mozzy said. "If you saw the way Jessey stood up and how she reacted as soon as she saw Ria fall. Oh, wow. Just heartbreaking."


Tinapat naman sakin ang camera.


Boom: "You can see the look of concern on the face of Jessey de Leon. Kung alam niyo lang, sobrang close po nitong dalawang 'to. And looking at her right now, I wonder how she's feeling."


SIGURO NAGAALALA AKO PARA SA GIRLFRIEND KO. SIGURO LANG NAMAN, DIBA BOOM???


May mga nakapaligid sa kanyang therapists at mga coaching staff at hindi pa rin siya gumagalaw. Pagkabagsak niya, it was Mela who first attended to her since siya yung pinakamalapit sa kanya. Nakapaligid na lahat ng teammates ko at alalang-alala na.


"A-ayoko na. D-di ko na kaya."


Shit. Di ko na kaya, I can't see her like this anymore. Nilapitan ko na siya at lumuhod sa harap niya.


"Ri....." sabi ko at tinapik siya ng mahina sa pisngi.


"J-Jessey.....ang s-sakit......" At saktong may luhang tumulo galing sa kanyang mga mata.


"Shhh. Nandito lang ako, nandito lang kami. Kaya mo 'to, okay?" naluluha na rin ako. Nginitian nalang niya ko ng malungkot.


Inilapag na siya sa stretcher at naririnig ko pa rin ang hikbi niya habang dinadala siya palabas ng arena. Nagpalakpakan naman ang mga tao, a sign of appreciation. "WE LOVE YOU, RIRI!!!"


"We wish you speedy recovery and we hope this is nothing serious, Ria Meneses. She is our best player of the game but apparently, she shares the spot with another one of her teammates. Here's Kristelle Batchelor."


Kristelle: So, Jessey. What do you think inspired you to have a season-high 20 points in this match and how do you feel about it?


"Uhm siguro wake up call na rin yun. Syempre happy ako na naka-contribute na ko sa team since lately I've been kinda off sa mga games namin. And as a veteran, I should really step up my game and do my part rin. I think it's the desire to win lang talaga." sabi ko.


Kristelle: Now, we all know Ria's been one of the anchors in UST's defense so what can you say about her injury? Any message for her?


Well, here goes nothing. "First of all, I really really hope it's nothing serious. For others' information, she actually has a mild ACL tear. She found out last season pa naman pero kaya pa naman daw niya. Every game, iniinda nalang niya yung sakit para sa team. Syempre sinasabi pa rin namin sa kanya na mag-ingat palagi. Pero I guess this time, it was meant to happen na. Well we can't do anything, nangyari na eh."


Skinny LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon