Chapter 31

2.5K 50 11
                                    

Ria's POV


*Saturday*


"Babe, pahiram ng camera mo."


"Huh? Bakit, anong gagawin mo?" tanong niya pabalik sa sa akin.


"Uh...pwede ko ba gamitin sa group project namin? Pleaseeee?" Matatanggihan ba niya ang puppy eyes ko? Syempre hindi.


Binigay niya ang camera sa akin. "Sige na nga. Pero Meneses nako sinasabi ko sayo, ingatan mo yang baby ko!"


Nag-pout ako. "Kala ko ba ako lang baby mo?" Malandi lang, Ria?


Binaon niya ang kamay niya sa mukha ko. "Daming alam. Basta ingatan mo ah."


"Ge." Nakabusangot kong sabi habang naniningkit ang mata...kung may isisingkit pa man yun. HAHAHA.


Nandito kami sa dorm, nakatambay lang sa sala kasama ang teammates namin. Naisipan ni Jessey na umuwi sa kanila mamaya para makita sila Tita and okay lang naman wala siya masyadong gagawin.


"Ri, una na ko." paalam niya. Hindi ko siya mahahatid kasi busy ako. Malalaman niyo rin kung saan.


"Mag-iingat ka ah, drive safely. Text mo ko pag nakarating ka na dun." pahabol ko.


"Oo na po. Ite-text kita pag nakarating na ako sa bahay, okay? Sige na, alis na ko. I love you." Hinalikan niya ko ng mabilis sa pisngi.


Bakit ganun? Palagi naman niya akong hinahalikan sa pisngi pero hindi nababawasan yung kilig kahit ilang beses pa niya gawin yun? Nadadagdagan lang eh.


"Wait pinipigilan ko yung kilig ko. Sige na babe, alis ka na. Baka hindi ako makapagpigil dito. I love you, ingat ka ah!" Natawa naman siya at umalis na.


Pagkasara ko ng pinto, agad naman akong humarap sa teammates ko. "Game na ba kayo, guys?"


"GAME!"


*Ding Dong*


Oooh. Baka sila na yan. Binuksan ko ang pinto at bumungad naman sakin ang tatlong malalaking kahon. Ay, delivery lang pala.


"Sino po hinahanap nila at para po kanino yan?" magalang kong tanong.


"Walang'ya ka! Pagkatapos mong ipadala samin lahat 'to, pagkakamalan mo kaming delivery boy?!"


Oops. Hehe.


"Ay, kayo pala! Sorry guys, hehe." Sinamaan lang ako ng tingin ni Kambal at ni Kim.


"Teka nga. Hindi ko naman sinabi sa inyong magdala ng malalaking kahon ah? Sabi ko lang magdala ng balloons, tape, sticky notes, candles, clippers at lights. Ano ba yan? Ang dami naman ata niyan." tanong ko.


Tinaasan ako ni Ara ng kilay. "Uhmm, exactly! Yan na lahat yun. Game na, excited na ako! Tabi!"


-_____________-


Ang OA naman ata, kaloka. Parang sila yung mangsu-surprise ah.


Tumawa nalang ako ng mahina at umiling. Bumalik na ako sa sala kung saan lahat sila ay busy sa kung ano ano. Langya, yung totoo? Mas atat pa 'tong mga 'to sakin eh.


"Hoy tatayo ka lang ba diyan? Gora na!" Natauhan ako ng sumigaw bigla si Mela. Napansin kong hawak ko pa pala ang camera ni Jessey.


"Ay, onga pala. Teka guys ah, may gagawin lang ako."


Skinny LoveWhere stories live. Discover now