PART TWO

391 19 8
                                    

Palihim naming hinanap ni Vernz yung misteryosong lalakeng yun. Nagtanong-tanong kami sa mga kakilala namin kung may binigyan ba sila ng number ko. Ipinakita na din namin yung number nung lalaking yun.


Natanong na namin halos lahat ng estudyante sa school pero wala ni isang nakakakilala sa kanya...


Haysstt..


Sino ba kasi sya?


At bakit ako nagkakaganito?


E ano naman kung magtext sya at kulitin nya ko?


Pwede ko naman syang dedmahin.


Bakit ba intresado akong makita sya??


Hayyyssst..


Halos isang linggo din namin syang ipinagtanong pero wala talagang clue sa pagkatao nya. 


SEPTEMBER, 


Hindi na ako naka receive ng text mula sa kanya. Simula nung inimbestigahan namin sya. tumigil na sya ng pagtitext. Ni ha Ni ho walang paramdam. Natunugan nya siguro na hinahanap namin sya.. Hmp.. 


Pero siguro mabuti na din yun. Wala ng nanggugulo sakin. At wala ng nambibwisit sa'kin..


Pero bakit ganito?


Parang namimiss ko sya?


Hindi pwede Ruby. Ni hindi mo nga kilala yung taong yun. Malay mo KIDNAPPER yun.. o kaya Rapist. Basta hindi ka pwedeng ma-attached sa kanya. Okay? pati isip ko naguguluhan.


OCTOBER,


"Kumusta na? Wala pa din bang text!" tanong sakin ni Vernz.


Nakapila kami nun sa Canteen para bumili ng Foods nang bigla nyang isingit yun.


"Wala." maikling sagot ko sa kanya na walang emosyon.


"Wala?"


"Wala na akong pakialam."


"Asus,. Kunwari pa sya. Lam ko naman nami-miss mo e." pang-aasar neto sa'kin


"At bakit ko naman sya mami-miss? Sino ba sya? 2 months na ang nakalilipas.. Di ka pa ba nakaka move on? O baka naman ikaw tong may gusto sa kanya?"


"Hmmm.. Kung pogi yang stalker mo, aba bakit hindi."


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 28, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Positive (One Shot)Where stories live. Discover now