PART ONE

531 28 6
                                    

          Nung nalaman ko na buntis pala yung pinsan ko. I was so disappointed at her. At the age of 15, she had a child in her womb. Pero sa kabilang banda, naisip ko, lahat ng mga nangyayari satin syempre will ni god. At alam ko may magandang dahilan si God kaya sinapit nya yung ganun..

        So.. Her story inspired me to do this ONE SHOT. I use her name here yun nga lang iibahin ko na lang ung surname..

       This story is not a typical LOVE STORY..  Sana po i-support nyo guys!! <3 <3

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Gumuho ang mundo ko ng makita ko ang resulta ng Pregnancy Test.

Dalawang Guhit.

Ibig sabihin 'BUNTIS' ako!

Hindi. Hindi pwedeng mangyari to'. 

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gulong gulo ang isipan ko. Paano ko to sasabihin kay mama at papa? Paano ko sasabihin sa kanila na buntis ang kinse anyos nilang anak? 

Paano na?

1 YEAR AGO...

"Ui, girl. Kanina pa nakatingin sa'yo yung guy na yun ooh." 

Tinuro niya yung lalakeng nakatayo sa may Canteen. Break time namin nung time na yun. Pumunta kami ng Canteen ni Vernz at bumili ng pagkain pagkatapos ay tumambay kami sa labas ng Canteen.

Sinundan ko naman ng tingin yung tinuro ni Vernz.

"Hayaan mo sya!" saway ko sa kanya.

"Mukhang type ka girl e."

"Tse! Porke nakatingin lang type agad? Saka tingnan mo naman yung itsura nyan. Eeww."

Sabi ko sa kanya at umakto pa ako na parang nasusuka.

"Grabe naman, girl. Ang hard mo naman."

"Hindi ako hard. Nagsasabi lang ako ng totoo. Sige nga, kung ikaw yung type nyan, papatulan mo ba yang lalakeng yan na kamukha ni Zaito"

Napaisip ito. "Uhmm.. Hindi din."

"See? Haist." 

Maging si Vernz "HINDI" din ang sagot.

E sino ba naman kasi magkakagusto sa panget na yun?

Gangster na kung manamit..

Tapos ang kulay ng balat, kasing itim pa ng BROWNIES dun sa may Bakery samin...

Positive (One Shot)Where stories live. Discover now