Kinabukasan, dating gawi lang. Pumasok pa rin ako ng 'di nanunuklay gaya ng mga unang araw, pero alas siete na dahil 9 naman ngayon ang first class namin. Wala kasi kaming unang dalawang class dahil busy sa Brocasting at Science Fair ang mga teachers namin.

Nagtaka ako ng makita si Frey sa gate at may hinihintay.

"Frey.." pagtawag ko

"Alix"

"Bakit di ka pa pumapasok?" tanong ko

"Ah kasi, ano...may hinihintay pa ako"

"Halika na sa loob, may assignment pa."

"Nagawa ko na, okay lang ako dito. Sige na, mauna ka na"

"Sigurado ka ba?"

"Oo, sige"

Wala na akong nagawa dahil kumaway na sya sa'kin. Pumasok na lang ako kahit nagtataka pa rin.

"Ate Alix!" tawag sa'kin ng babae kahapon. Hindi ko naman alam pangalan nito.

"Bakit?" sabi ko pagkahinto ko sa tapat ng room nila.

"Ate, kung pwede ka daw po ihatid ni Ethan" sigaw ulit n'ya. Kita ko mula sa bintana ang tulakan nila sa loob.

"Ah bahala sya? Hindi naman ako magdedesisyon noon."

Agad nila ng tinulak si Ethan papalabas ng room nila.

"Sorry sa mga kaklase ko ha" yun agad ang sabi n'ya pagkalapit sa'kin.

"Ayos lang, mas magulo ang mga kaklase ko"

"Halika na po, baka malate ka" sabi n'ya ulit kaya ngumiti na lang ako at naglakad na.

Nagulat pa ako nung sa likod ko s'ya maglakad.

"Nagpipicture po mga kaklase ko, baka maissue kayo" malumanay na sabi n'ya.

Tumawa lang ako sa kanya.

"Muka ba akong di sanay sa issue?" tanong ko habang naglalakad pa rin.

Huminto naman ako hinubad ang coat ko.

Baka kasi yun ang nakakailang para sa kanya.

Sa paghintong yun, nakita kong sumusunod pa rin yung babae at may hawak na phone.

"Anong pangalan nya?" tanong ko kay Ethan na huminto rin.

"Cess" sagot n'ya.

"Bakit lagi ka nilang inaasar sa'kin? Mukang araw araw na ah"

"Nakakagulo ba sayo? Sorry"

"Hindi" agad pa akong umiling. "Nagtataka lang ako. Curious"

"Ahh...kasi" Napakamot s'ya sa ulo n'ya. Mukang 'di alam ang sasabihin.

"Hayaan mo na, halika na para makabalik ka agad" sabi ko nahawakan pa ang braso n'ya. Nahiya ata s'ya kasi namula, kaya agad kong binawi yun.

Naglakad na s'ya sa tabi ko ngayon pero wala pa ring sinasabi.

Kahit hanggang pagdating namin sa room.

With All The Stars Combined [RPW Series #1]Where stories live. Discover now