28

7 2 0
                                    

"Ako Salixins. Ako. Ako. At ako. Wala ng iba. Ako lang." sabi ni Joax habang diretsong nakatingin sa mata ko.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at parang gusto na nitong lumabas. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko naman maalis 'yung tingin sa kanya. May hipnotismo sa mata n'ya, hinihigop ako noon! Ramdam ko ang sinseridad. Ramdam na ramdam ko. At parang may humahaplos sa puso ko nung marinig ko kahit 'yung unang 'ako' pa lang. Pero...

Sa sakit na dinulot n'ya noon, walong taon na ang nakalilipas at masiyado ng mataas ang bakod na natayo ko sa gilid ng bangin.

"Halika na, umalis na tayo" sabi n'ya hawak na ako sa braso pero imbis na tumayo at sumunod sa kaniya ay nakatingin lang ako sa mga mata niya. Nang magsawa ay saka ko ibinaba ang tingin sa kamay niyang maingat na hawak-hawak ang aking braso. "Salixins, I said let's go" pag-uulit n'ya.

"Huh? Ah oo. Saan?" Gusto kong murahin ang sarili ko sa sagot na 'yun!

"Iuuwi na kita" sagot n'ya saka hinila na ako paalis.

"Hindi mo naman alam bahay ko" malumanay na sabi ko.

Bakit ganito ako?! Kay Aki tigre ako, kay Joax para akong kuting! Letse! Ano bang nangyayare sa'kin? Sakit ko ata talaga ito eh. Sakit sa utak.

"Edi sa bahay ko. Ang dami mong pinoproblema, ako kasama mo. Walang mangyayareng masama sa'yo, dahil 'di ko hahayaan" sabi n'ya saka ako pinagbuksan. Pero ang malas talaga!

Dumating si Aki!

"Alix, get in my car. Now." utos naman sa'kin nang isa.

Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa. Masama ang tingin nila sa isa't isa.

"Salixins. Get in my car."

"Alix, hinihintay ka na ni Mama sa bahay."

"Kaya kitang ihatid kahit sa Mars pa. Get in my car" saka ako hinila ni Joax papasok sa kotse n'ya. Pero biglang tumakbo si Aki at akmang susuntukin si Joax nang umawat sina Chris.

Nasa likuran na nila kami. Si Chris, Kurt, Vin, at Zander ang nasa unahan namin ni Joax.

"Please, iuuwi ko na si Alix." nakikiusap na sabi ni Aki. Pero alam kong nagpipigil lang siya ng galit.

"Hindi pwede. Hindi namin hahayaan." sabi ni Chris. Hindi ko man nakikita ang mga muka nila, alam kong seryoso sila dahil ako na naman ang usapan.

"Prinsesa namin siya, hindi pwedeng may manakit sa kanya, kahit na sino pa" sabi rin ni Zander.

"Ah talaga? Kaya pala kaibigan n'yo pa ang isa" nakangising sabi ni Aki.

Kitang kita ko kung paano magtiim bagang si Joax. Nakakuyom na rin ang mga kamao niya. At naiinis naman ako! Sa inis na umabot na naman sa ulo ko ay hinawi ko 'yung apat at dinuro ko si Aki.

"Don't even go there. You don't have any right" inis na sabi ko.

"Fine. Pero siguro naman may right ako para hilahin ka rin paalis dito?"

"Wala. 'Wag mong sabihin sa mukha naming kaibigan namin mismo ang nanakit sa kanya, dahil hindi mo alam kung ano ang nangyare matapos nilang maghiwalay. Wala kang alam, kaya h'wag kang sumabat." seryosong sabi ni Vin.

With All The Stars Combined [RPW Series #1]Where stories live. Discover now