Dighay

6 0 0
                                    

Kumakalap,
Kumakalat,
Hindi naman kita tinatawag pero lumapit ka,
Ayoko sa 'yo pero hindi ko kayang sabihin,
Kaya ito ako, palaging naliliyo sa dukwang ng trashbin,
'Di ka naman hinabilin sa 'kin,
Pero makaasta ka parang may nagawa akong huwisyo,
Nakakubli na sa 'king isipan na dapat layuan ka,
At nag-iisip ng paraan kung paano ako makakahanap ng mga haka-hakang magpapatigil sa 'yo,
Ngunit nakalapit ka na at parehas tayong nakaharap sa madla,
Ewan ko pero umaakyat ka,
May nagsasabing tumawa ako,
At bigla kang nagpakita,
Ayon nakalabas ka na.

"Kalakas no'n. Kabaho pa! Mag-thank you Lord ka nga!"

Mga sana hindi mawawalaWhere stories live. Discover now