Kung minsan naman

5 0 0
                                    

Alam kong hindi ka nalulungkot;
Siyempre dahil makasarili ka.
Alam kong pinuputol mo ang tali, inaalis ang tagpi—mga patunay na nakadikit ka sa 'min.
Sana naman matawag mong responsibilidad yuon,
Hindi ako sumasagot, sa mga dila mong alam kong gasgas na,
Mga alalahaning binibilin mong wala man patawad sa una;
Ang kalakasan ko ay 'di ko na mahanap dahil ang alam ko lang ay takot para mas maging mabuting tao, mas mabuting kasapi ng pamilya,
Akala ko ako ang lumalayo, 'yun pala—ikaw mismo ang kumikitil sa makitid na pagsasama.
Nakakasakal ang nakatigil lang;
Kaya ka nga umalis 'di ba?
Pero umalis ka na imahinasyon ang dala,
hindi mga alaalang ayaw mo nang balikan,
Mahirap tanggapin—pero wala e, alam naman na namin ang katotohanan kahit na hindi ka pa magbuka ng bibig na pinuno ng laway. Laway na ang puno't dulo ay ang iyong mga kasinungalingan.

Takot ka. Alam ko.
Naging malungkot ka. Alam ko ring hindi.
Buong buhay mo kahit umiyak ka, nagalit, nakatulala—alam kong hindi ka nalulungkot kahit ano pang sapitin mo, kahit ano pang sapitin namin.
Kasi ano ba naman kami kung hindi kami ang reyalidad na gusto mong uwian?
Palagi kang maligaya. Walang pagdadalawang isip na ligaya.

Walang umiinom ng alak sa 'tin. Mga walang bisyo;
Ngunit sa taas mong lumipad naiwan na yata ang mga mata mo,
Sa bilis ng pagaspas ng iyong pakpak, hindi na sila nagkakasabay-sabay pumayakpak,
Sino nga na naman ang kaibigan?
Ah, ang buong bayan ay alam ang tawag sa 'yo.
Kaya ito pangalan mo ang sinasali't salit sa mga hindi mawaring palatak ng dila.
Kasi nga nawala ka 'di ba?

Alam ko ring ayaw mo nang bumalik kahit na andito ang presensya mo;
Hindi ko na marinig ang mga sasabihin mo kahit na andito ka at tumatawa;
Nagbuntonghininga ka para kahit papaano ay maibsan ang bigat na dinadala mo—kasama na sa isipan mong wala na silang pakielam kung magtitiwala pa rin sila sa 'yo o hindi na sila titingin sa 'yo ng mata sa mata;
Walang may alam kung warak-warak ang dapat mawarak,
Sa ngayon alam mong wala ka nang babalikan kahit na tinanggap ka ulit.

Sa dami nang paglayag mo bumagsak ka pa rin ulit sa bilog kung saan palagi kang nagtatago.

Ang huling sana namin para sa 'yo:

Ay sana, hindi ka na namin kakailanganin.

Mga sana hindi mawawalaWhere stories live. Discover now