Chapter 14

309 37 4
                                    

HIRED

Hindi na siya bumaba para kumain ng hapunan. Sobrang napagod siya sa buong maghapon sa pag-aapply. Pagkatapos ng interview niya nagpasa pa siya ng resume sa ibang company sakali man na hindi siya matawagan atleast may nakaabang na iba pa. Duda siya na matanggap sa naunang inapply-an niya. Malaki company din yun.

Napabuntong-hininga siya. Kailangan ba talaga maghirap siya ng ganito?

Oras na ba para bunukod na siya? Tutal naman para na lang siya iba ituring ng sarili niyang pamilya.

Mangyayari lamang iyun kung may trabaho siya makukuha at sasapat sa pangangailangan niya.

Malungkot at mabigat ang puso niya ng makatulog siya at sa ingay ng kanyang celpon ang gumising sa kanya kinabukasan.

Inaantok na inabot niya ang aparato na  nasa ibabaw ng sidetable niya.

Namumungay ang mga mata na sinilip niya kung sino ang tumatawag ng ganun kaaga. Pasado alas y sais pa lang ng umaga.

Unknowns number ang nakarehistro sa screen ng phone niya.

Wala naman siya iba binibigyan ng contact number niya maliban sa mga inaapplya-an niya.

Kaagad na nagising ang diwa niya na baka nga isa sa mga pinasahan niya ng resume ang tumatawag sa kanya.

Tumikhim muna siya bago niya sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Hi,goodmorning,Ms.Yvas!"pagtugon ng isang boses na babae.

Nangunot ang noo niya. "Yes,sino po sila?"

Kinakabahan siya pero sana mula ang tawag na ito sa mga inapply-an niya.

"Sekretarya po ako ni Mr.Azer,Ms.Yvas! At gusto po niya kayo makausap sa opisina niya. 9 am po,pwede ho ba kayo?"

Nanlaki ang mga mata niya ng marinig ang pangalan ng may-ari ng car shop na nag-interview sa kanya.

Natutop niya ang bibig upang pigilan na mapasigaw sa tuwa. Kinalma niya ang sarili at inisip na hindi siya dapat advance mag-isip na baka tanggap siya at ayaw niyang mabigo sa huli.

Muli siya tumikhim bago siya sumagot sa kausap.

"Ah,yes. Pupunta ako,salamat.."kalmante niyang sabi.

Nang matapos ang tawag gumuhit ang isang malaking ngiti sa mga labi niya. Humugot siya ng hangin upangq kalmahin ang puso niya na sobra bilis ng pagtibok.

Naiexcite na kinakabahan siya!

Agad na umalis siya sa kama niya upang maghanda na. Hindi siya dapat mahuli!

Hindi nagtagal bumaba na siya ng kwarto niya upang mag-almusal muna bago siya umalis.

Naabutan niya ang kanyang magulang na patapos na sa pagkain.

Binati niya ang mga ito pero walang tugon siya natanggap.

"Saan ang punta mo?"bigla pagsulpot ng kapatid niyang si Daisy na nakapampatulog pa.

Kakain pa lang ito ng maupo ito sa katapat niya.

"May interview ako,"maiksi niyang tugon.

Tumikwas ang isa nitong kilay. "Talaga ba? Baka naman date?"suspetsa nito sabi sa kanya.

Natigilan siya sa sinabi nito at sabay naman napatingin sa kanya ang mga magulang nila.

Napabuga siya ng hininga. Nawalan tuloy siya ng gana kumain.

"Job interview ang pupuntahan ko,"giit niya.

"May nobyo ka?"ang kanyang ama.

"Sabi ko naman sayo nakipagtanan yan kaya nawala,"pasaring ng kanyang ina.

Starry Starry Love Series 5 : Kennet Vaid by CallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now