Chapter 4

5.2K 180 5
                                    

Pumunta kami sa isang Chinese Restaurant,napag-alaman ko na girlfriend pala ni Ace ang may ari nito.

"Hintayin mo na  lang ako dito"-sabi nito .

"Kakain ako,dahil gutom pa ako"-saad ko dito.

Nauna na itong pumasok sa loob, nagpahuli muna ako dahil biglang tumawag si Jenny.

Pagkatapos kaming nag usap ni Jenny sumunod na rin ako sa loob.Babalik ako sa mamayang gabi sa Manila dahil may tatrabahuhin kami ni Jenny.May asawa na kasi si Ann kaya dalawa na lang kami na magkasama lagi.

Pagkapasok ko hindi ko na nakita si Ace.Umupo ako sa bakanteng Mesa na nasa unahan,marami rami ring kumakain.

Nag order lang ako ng pasta at ice tea.Habang kumakain ako nakita ko si Ace na may kasamang magandang Babae.

Maya maya lumapit ang isang waitress sa akin at binigay ang isang resibo.

"Miss, nakita mo iyang lalaki na iyan,siya na lang singilin mo dahil boyfriend ko siya"-nakangiti na saad ko sa dalagita na may dala dala na  resibo na pinagkainan ko.

"Po?si Sir Ace? Boyfriend po iyan ni Ma'am Grace"-sabi nito na nalilito.

Hindi ko tuloy napigilan tumawa.

"Wala kasi akong pera kaya siya na lang magbayad"-saad ko dito.

Paalis na sana ito pero tinawag ko ulit ito.

"Miss wait,sabihin mo bayaran niya kamo ang inorder ng jowa niya"-

"Sige po Ma'am"-mahinang sabi nito na parang natatakot.

Biglang tumunog ang cellphone ko.Si Jenny tumatawag ulit.

"Kailan balik mo dito,shit Bea nakawala  si Rosales at pinapatawag tayo ni General"-saad ni Jenny.

"Sige tatawagan ko lang si Bry na susunduin ako ngayon "-Fuck!may nag traidor sa loob ng Departamento! dahil imposible makatakas si Rosales na walang tumulong dito.

"Hello, excuse me?"-tumingala ako dito ng may nakatayo sa harap ko, napangisi tuloy ako.

"Sabi ng waitress wala ka daw pambayad at ang boyfriend ko pa ang tinuro mo para magbayad sa pinagkainan mo!"-galit na sabi nito.

"Ah,babe ako na magbabayad,ano kasi secretary ko iyan"-singit naman ni Ace dito.

"Why she said na boyfriend ka daw niya?"-galit ito bumaling kay Ace.

"No! she's not my girlfriend ,okay"-mahinahon na sabi ni Ace,ang ibang costumer nakatingin na sa amin.

"I trust you babe"-malambing na sabi nito.

Tumayo na ako dahil Kailangan ko pumunta sa bahay na inuupahan ko ngayon.Magtataxi na lang ako at walang gagamitin na sasakyan si Ace pauwi.

Kinuha ko sa bulsa  ang susi ng kotse niya at binigay ko dito na nagtataka ito.

"Kailangan ko bumalik sa Manila ngayon,babalik muna ako sa trabaho ko"-saad ko dito.

Tumalikod na ako pero tinawag  ako nito.

Putang ina hindi muna kita aagawin ngayon Ace sa Jowa mo dahil may malaking problema kami ngayon.

"Bea ,wait"-

Lumingon ako dito.

"A-anong trabaho ang ibig mo sabihin?"-nalilito itong tumingin sa akin.

"Nakawala ang drug lord na pinakulong namin kaya babalik ako sa Manila, dahil Kailangan ako doon"-seryosong saad ko dito.

"Ba-babalik ka pa ba!"-tanong nito na agad umiwas ng tingin.

Ngumisi ako dito.

"Kapag babalik ba ako,jowa na kita?"-

Matagal ito bago sumagot.

"just come back safe"-seryosong saad nito.

"Hindi iyan ang gusto ko marinig, Ace"-

"Paano mo ko makukuha kung hindi ka babalik?"-saad nito na agad rin tumalikod at bumalik sa loob..

Napangiti akong tiningnan ito paalis.

Yeah,babalik ako dahil hindi pa tapos ang Misyon ko sa iyo.




Dangerous Assassin'sWhere stories live. Discover now