Chapter 27
I stared at the mirror with a small smile on my lips. All I can feel today was happiness and no one can broke it, that's what I knew. In my life, all I can do is to fight.. fight all the sadness and the pain that I feel. I did survived without anyone's helped but myself, kasi ang sabi nga ni Lavanñera Smorewarth, "Do not let anyone to break you, because you build yourself."
17th.
It was my 17th birthday today and I was born on 12th of January. I am still alive even though a lot of trials tried to kill me but I am worth it enough kaya nandito pa rin ako ngayon. I stood up just to see myself in a mirror. I was wearing my uniform with a simple messy bun.
"Habadu!" sigaw ni Anne sa akin nang makapasok ako sa classroom namin.
My lips parted when I saw her holding a cake, ang nakalagay pa roon ay 'Happy Birthday, Mahal!' Kaagad akong napangiti, sa mga nagdaang taon ay lagi akong nagc-celebrate kasama ang pamilya ko but people changed.
"Salamat." Ngiti ko pa at binaba ang bag ko sa upuan ko.
"Happy Birthday, Lider Kwak!" sigaw ni Nicole at mahigpit akong niyakap ng mahigpit, halos masakal pa 'ko sa pagkakayakap niya sa akin.
"Habadu, Alauna!!" sigaw ni Sebastian at Cielo dahilan para kaagad silang hampasin ni Jean at Anne dahil sa lakas ng boses nila.
Natawa na lamang ako at napailing sa mga pinaggagawa nila sa buhay. Nilapag ni Anne ang cake sa harapan at binalot ulit sa box ng Red Ribbon. Nang mabalot niya 'yon ay kaagad niyang pinasok 'yon sa ref na naroon, nagpaalam naman siguro 'yon kay Ma'am.
"Mamaya raw, celebrate sabi ng Irons!" Masayang sambit ni Nicole kaya mas lalo akong napangiwi.
"Palagi na tayong magkakasama, ah?" Natatawang sambit ni Jean habang merong sinusulat sa papel niya.
"Oo nga, masaya naman, e!" sabi naman ni Cielo at humalakhak pa ng napakalakas.
Napailing na lamang ako at tumingin sa harapan. Gano'n lang ulit ang nangyari, flag ceremony, linis, at iba pa na normal ng ginagawa namin sa classroom. Pagpatak ng tanghalian ay kaagad din kaming pinalabas para makakakain nv tanghalian namin sa kanya kanyang bahay pero mukhang sa court kami kakain dahil sa celebration na sinasabi nila.
"Habadu, Alauna!" Bati sa akin ng Irons kaya naman kaagad akong napangiti.
"Salamat." Simpleng sabi ko at kaagad na umiwas ng tingin nang makita si Yaelle na nakangiti sa akin.
Natahimik na lamang ako nang magsimula nang kumain, mukha pa 'kong timang doon dahil iwas ako nang iwas ng tingin kay Yaelle na pilit hinuhuli ang tingin ko.
"Sino next na magb-birthday?" Tanong ko sa kanila kaya kaagad silang lumingon kay Yaelle.
"Si Cap, Alauna. Sa March birthday niyan, e. March 16, oh diba alam ko!" Halakhak ni Augustin at tinapik pa ang balikat ni Yaelle.
Napangiwi na lamang ako at umiwas ng tingin kay Yaelle, para kasi akong lulubog sa upuan ko sa tuwing titingin siya sa akin, e! I just focused on my food para matapos ko 'yon kaagad at makaalis na 'ko sa torture na nangyayari roon.