Chapter 42
"Kila Yaelle raw tayo bukas, Ate Alauna," aniya ni Grace kaya bahagyang nangunot ang noo ko.
"Huh? Nandito naman tayo kay Yaelle, ah?" Kunot noo na tanong ko habang inaayos ang uniform ni Leyan.
Tumayo si Grace sa harapan ko at lumapit sa akin. She lifted her weight on the wall bago ako tiningnan ng maayos.
"Doon daw sa mismong bahay nila Ate! Jusko, meet the parents ka na yata." Siya pa yata ang kinilig sa sarili niyang sinabi kaya napailing ako at inirapan na lamang siya.
Bakit niya 'ko ipapakilala roon sa pamilya niya? Hindi ko naman alam kung sino sila, si Patricia lang yata ang kilala ko roon. Hindi na rin naman ako naghahangad pa ng magandang bagay. Ayos na 'ko rito.
Dumiretso ako sa baba dahil nandoon si Yaelle at Leyan. Nag-ayos lamang ako ng higaan ni Leyan at hinabilin muna siya kay Yaelle para naman makapaglinis ako ng maayos. Pumayag naman si Yaelle even though he had a lots of assignments and reviewers.
My lips formed a smile when I saw Leyan on Yaelle's lap, sleeping. Habang si Yaelle ay nagsasagot doon sa papel na hindi ko alam kunh para saan. Napakarami ring libro na nakalagay doon, na-guilty yata ako bigla na sa kanya ko pa pinaalaga si Leyan habang naglilinis ako.
"Tapos na 'ko maglinis. Salamat, Yaelle, ah?" aniya ko at lumapit sa kanya para kuhanin si Leyan.
Bahagya pang nagulat si Yaelle sa presensya ko pero umayos din naman at napangiti nang makita ako. Kaagad kong kinuha si Leyan sa kanya at nilagay siya sa balikat ko.
"It's fine." Tumayo si Yaelle at lumapit kay Leyan para halikan ang noo nito. "Sleep well, Uzraelle," he uttered lowly kaya mas lalo akong napangiti.
Pagkatapos ay tumingin siya sa akin at bahagyang ngumiti. My lips parted when he kissed my forehead too.
"Salamat." Tumango pa ako sa kanya. "Pwede ka ng mag-aral, salamat." Ngiti ko bago siya tinalikuran.
Dumiretso ako sa kwarto ni Leyan habang buhat buhat siya. Bahagya ko pang pinakatitigan si Leyan bago naisipan na lumabas sa kwarto niya. Napangiti ako nang makita kung paano siya humiga yakap ang unan niya. Pagkatapos ay lumabas ako kaagad sa kwarto niya at dumiretso sa baba para uminom ng tubig.
I saw Yaelle talking to someone on his phone while writing on his paper, hindi ko naman kilala kung sino 'yon kaya hinayaan ko na lamang. Bahagya pang naka-kunot ang noo niya habang nakikipag-usap doon sa telepono. Dumiretso na lamang ako sa kusina at uminom ng tubig doon.
"Hmm.. Just send the files, Rinie. Just send it, 'yon lang ang kailangan ko, nothing more and nothing less... That's it.. No, sinabi ko na sa'yo na tigilan mo na, meron akong iniingatan at hinding hindi magiging ikaw 'yun, okay? If you cannot send it to me na walang kapalit, then I won't accept it." Rinig kong aniya ni Yaelle nang dumaan ako sa pinag-aaralan niya.
My lips parted when I saw how his brows furrowed while talking to the phone. Hindi ko alam kung sino ang kausap niya, baka kaklase niya 'yon o kaibigan. Mayroon akong narinig na file, e. Baka nga kaklase niya. Rinie?
Napaitlag ako nang makitang nakatingin na sa direksyon ko si Yaelle, bahagya ring tumagilid ang ulo niya na para bang sinisiguro na nandoon talaga ako. Nang masigurado niya ay kaagad siyang lumapit sa akin kaya umawang ang bibig ko.