KABANATA 5

373 7 0
                                    

"Oh? Hija? Bakit naghahabol ka ng hininga diyan? Halika na dito at kumain." Tumango ako saka sumunod sa kanya papasok sa kusina.

"Ate Marielle, ano pong pinag usapan niyo ni kuya?."

"Trina, ano ka ba? Bawal kang makisali sa usapan ng matatanda."

Gumalaw galaw naman ang matabang pisnge ng bata matapos pagsabihan ng ina.

"Oh ito. Kumain na kayo, kamusta naman ang pag uusap niyo ng anak ko? Narinig ko nagsisigawan kayo."

"Ako din ate! Dinig na dinig ko dito."

Napayuko ako sa hiya. Hindi kaya narinig din nila yung pinagsasasabi namin ng Juancho? Jusko.

"Naku! Wala po iyon. Mataas po enerhiya ng anak niyo kaya nagsisigawan kami." Palusot ko.

"Ganun ba? HAHA baka ngayon lang naka kita ng magandang dalaga kaya mataas ang enerhiya. O siya sige kumain kayo diyan at tatawagin ko muna si Juancho."

Nagtuloy ako sa pagsubo dahil ang sarap nitong tuyo.

"Alam mo ate? Para hindi ka po mahirapan, kamayin niyo nalang po ang pagkain ng tuyo. Mas masarap pong kumain niyan pag naka kamay tapos isasawsaw niyo dito. Tapos hmmmm ang sarap." Sinipsip niya pa ang mga daliri niya. Napalunok naman ako saka binitawan ang kubyertos.

"Ganito ate, una, tanggalin niyo po ang ulo. Ganyan nga po! Tapos susunod, alisin niyo din po ito! Balat po nila iyan. Tapos po ang susunod, dahan dahanin niyo pong kalasan ang laman sa tinik nila para hindi po kayo matinik." Masaya siyang nagtuturo sakin kung paano kainin ang tuyo.

Sinunod ko lahat ng sabi niya, saka ko sinawsaw sa sukang may toyo na may kamatis at sibuyas.

"Ang sarap nga Trina! Kelan ka natutong kumain nito?." tanong ko habang sumusubo.

"Nung three po ako! HAHA pinapakita po ni nanay kung paano kainin ang tuyo. Ate tikman niyo po ang kamatis masarap po iyan. Unahan niyo po si kuya dahil pag lumabas na yun, panigurado ubos yang kamatis at sibuyas sa sawsawan HAHA."

"Alam mo ba kung ano ang benefits ng kamatis?."

"Hindi po ehy."

"Pangpakinis siya ng balat! Kaya habang bata kapa kailangan mong kumain ng kamatis para lalaki kang maganda, makinis at maputi ang balat." Nakangiting sabi ko.

"Hindi ko po kasi gusto ang lasa niya ehhy." Malungkot niyang tugon.

"Ako din nung bata ako? Hinding hindi ako kumakain ng kahit anong gulay lalo na ang kamatis. Kaso doon sa America naging independent ako saka practikal na din. Kaya ayun, natuto akong kumain ng mga gulay. Tingnan mo, diba ang ganda ko?."

"Uu, nga po ate, sobrang ganda mo. Sige po kakain na ako ng gulay lalo na ang kamatis para kapag lumaki ako maganda din ako katulad niyo po." Tuwang tuwa na sabi niya kaya halos ubos niya na ang kamatis sa sawsawan namin.

Ganun ba ka motivational ang words ko? Sabagay sino bang hindi susunod sa sinabi ko ehy magiging kasing ganda niya ako. Hayss

"Trina! Inuubusan mona ako ng kamatis. Ano ba yan!." Nag uungos na sabi ni Juancho. Hindi ko manlang namalayang nasa kusina na pala siya.

"Kuya, sa akin nalang lahat ng ito kasi gusto ko pong lumaking maganda at makinis ang balat!."

"Saan mo naman natutunan yan ha? Nagpapaniwala ka sa mga walang kwentang kasabihan!."

anak ng- anong walang kwenta? Buysit na lalaking 'to! For his information nakaka kinis naman talaga ang pagkain ng kamatis!

"Hindi ko sasabihin sayo kung sino ang nagsabi sakin non! Kumain kana ngalang kuya, may bisita ka tapos kung magsisisigaw ka diyan ehy. Tsskk. Hindi ka pa ba nagsasawang sumigaw? Ehy kanina pa po kayo sigaw ng sigaw sa loob ng kwarto niyo! Nung pumasok si ate Marielle, dinig hanggang dito ang sigaw mo. Dito ka sa muka ko tumingin! Nyenye." Pag gagaya ni Trina sa kuya niya.

HACIENDA MONTEMAYOR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon