Blue Birthday (Part 2)

29.2K 2.6K 7K
                                    

AUTHOR'S NOTE: Bitin ba kayo sa Part 1 kagabi? Well, heto na ang kasunod! Pero bibitinin ko ulit kayo kasi may Part 3 pa pala. Sobrang haba ng birthday special na 'to. Haha!

Enjoy reading!

Enjoy reading!

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

LORELEI

ALL HANDS in the kitchen as we prepared the food for our orphanage visit later. Si Tita Martha ang nagsilbing head chef habang kami ni Jamie ang nagmistulang assistants niya. Naging instant cooking lecture pa dahil tinuruan niya kami ng techniques sa pagluluto. I stayed with her in the apartment for how many months, pero ngayon pa lamang ako seryosong nagpaturo sa kanya.

"Sa panahon ngayon, hindi na exclusive ang pagluluto sa ating mga babae. Hindi na tayo nakatali sa kusina," sabi niya habang hinahanda ang chopping board. "Pero mas mainam na marunong kayong magluto. Mas makatitipid pa kayo kaysa lagi kayong umo-order sa labas. Ang mamahal pa naman ng mga pagkain ngayon!"

Like students willing to learn, Jamie and I watched her closely. She taught us how to chop vegetables quickly without cutting our fingers off. Kinabahan pa nga ako habang nagtsa-chop siya ng spring onions nang hindi tinitingnan ang binabagsakan ng patalim. Gusto kong sabihin sa kanya, "Tita, focus!" But she enjoyed chopping while chatting with us, so I chose to trust her skills.

Kung tunay na klase ang pagluluto, Alistair would have been the ace student. Hindi na gano'n kalakas ang kamay ni tita, kaya nagpatulong siya kay Al na hiwain ang mga karne ng manok at baboy. To no one's surprise, he effortlessly chopped the meat like someone who had been cooking for years. Ano ba ang hindi niya kayang gawin?

"Noong nasa Manila pa ako, lagi akong nagpapaturo sa kasambahay namin kung paano magluto," kuwento niya habang nanghihiwa ng karne at pasulyap-sulyap sa amin. "Naisip ko kasi na mas mabuting may alam ako sa pagluluto lalo na kung balak kong maging independent. Gaya ng sabi ni tita, hindi ko na kinailangang mag-order kahit mag-isa ako sa condo. I can prepare my own food."

Kaya ko ring magluto ng sarili kong pagkain, kaso hindi ang mga komplikadong putahe. Madalas pirito ang niluluto ko noon sa apartment.

"Ang suwerte siguro ng magiging asawa mo, 'no?" komento ni Jamie kay Al. "Sabi ni Manang Dolores, marunong din daw akong magluto dati. Kaya ko nga raw magtayo ng carinderia, eh! But I kinda forgot how because of, you know, kaya parang na-reset ang cooking skills ko." She brushed it off like it's just a minor inconvenience.

I heard a clanking noise as Loki put down a bunch of kitchen casserole stacked against each other on the table. Napapunas siya ng pawis at hinabol ang kanyang hininga. "Is there anything else, tita?"

"Pasensya na kung pinagbuhat kita, ah?" paumanhin ni Tita Martha, sandaling napahinto sa pagtsa-chop. "Hindi ko na kasi kayang buhatin ang mga 'yan."

"Himala, hindi agad nangalay ang mga braso mo sa kabubuhat niyan," biro ko.

Project LOKI: Forward ⏩حيث تعيش القصص. اكتشف الآن