[JAI'S POV]
Inis kong iniligpit ang mga gamit ko saka naupo a swivel chair upang hintayin na makaalis muna si Sir Khyler bago ako umalis. Mabigat ang pagbuntong-hininga ko dahil sa inis.
"Bwiset na 'yon." Bulong ko, "Akala mo kung sinong gwapo. Oo gwapo s'ya, pero ang yabang n'ya." Inis ko pang dagdag.
"Oo nga."
"Grabe, kung kausapin n'ya ako akala mo sobrang bobo kong tao. S'ya nga 'tong matter lang hindi pa alam, eh!" Muli kong dagdag.
"Si boy regla." Inis kong sagot.
"Si Klein?"
"Oo!—" Gulat akong nagtataka kung bakit bigla ay may kausap na ako.
Saka ko nilingon ang gawi ng kung sino, nakita kong ngingiti-ngiti si Ate Paula habang tumatango. Lumapit s'ya sa akin saka sumandal sa table ko.
"K-Klein? Sino po 'yon?" Saka ko lang rin napagtantong hindi ko kilala ang nagmamay-ari ng pangalang binagkit ni Ate Pau.
"Edi yung tinatawag mong boy regla." Natawa s'ya, "Loko talaga ang isang 'yon, Jai."
"Ang sungit n'ya." Inis kong sabi.
"Ano bang ginawa n'ya sayo?" Tanong n'ya.
"Sinabihan ba naman n'ya ako ng bingi at bobo." Naiinis ko talagang kwento, "Ang Nanang at Tatang ko nga hindi ako kailanman sinabihan ng ganon."
"Tapos?"
"Tapos ang yabang pa n'yang umasta sa harap ko, akala mo kung sino. Sino ba s'ya sa tingin n'ya? Akala mo may-ari ng kumpanya kung magsalita."
"Nako, Jai." Natatawang naupo sa tabi ko si Ate Pau, "Lumayo-layo ka d'yan kay Klein."
"B-Bakit po?"
"Kilala mo ba si Satanas?"
"O-Opo."
"Tatay n'ya 'yon."
Nagugulat akong napatitig kay Ate Paula, bigla ay napalunok ako. Nagiwas ako ng tingin saka kagat-labing pinakalma ang sarili. Tatay n'ya si Satanas?
Kinakabahan akong nagbalik ng tingin kay Ate Pau nang marinig ko s'yang matawa saka ako napakurap. Baliw ba s'ya? Wala sa sarili akong nakitawa nalang sa kan'ya.
"Joke lang, ano ka ba. Kabadong-kabado ka naman." Natatawa parin n'yang sabi, "Kaugali lang ni Satanas 'yon pero hindi s'ya anak ni Satanas."
"A-Ah." Halos nakahinga ako ng maluwag.
Ang kwento kase sa bayan namin ay totoo daw ang mga haka-haka ng iba patungkol sa mga babaeng nabubuntis ng masasamang elemento. Kaya ganoon nalang ang takot ko dahil sa narinig kanina, mabuti't biro lang dahil kung sakaling totoo ay talagang hindi ako makakatulog mamaya.
"Bakit ka nga po pala nandito?" Tanong ko.
"May ipinasa lang ako kay Sir, pauwi narin ako." Nakangiti n'yang sagot, "Bakit nandito ka? Day off ngayon."
"Tuwing lunes po ang day off ko." Sagot ko.
"Ay talaga? Kakaiba ang day off mo ha." Natawa ulit s'ya, "Mabuti pa't mauna na ako, magliligpit pa ako para makalipat."
"Lilipat ka po ng trabaho?" Nabibigla kong tanong.
"Nako, hindi! Sa condominium ako lilipat, binili daw iyon ni Sir kaya pwede ako don." Nakangiti n'yang sagot, "Nakakahiya naman kung tatanggi ako 'diba?"
BINABASA MO ANG
THE MOMENT WE FALL: (Tiktok Story - 'Ninong')
Teen FictionSinuong ni Jai ang hirap sa lungsod ng Maynila para lamang matustosan ang pangangailangan ng pamilya maging ang pagpapagamot ng kan'yang Ama. Ngunit sa hindi inaasahang kamalasan ay napadpad s'ya sa isang kumpanya kung saan mas papahirapin ang sitwa...