Chapter 34

8.5K 220 15
                                    

Ramdam ko pa din na namumula ang mukha ko habang naglalakad kami papasok ng bahay nila Yell. Nasa bungad pa lang kami ay rinig ko na agad ang hiyawan ng mga kaibigan niyang lalaki at ang pag-saway sa kanila ni Ate Yell.

"So ano, kailan ang kasal?" nakangising tanong ni Hendrix kaya sinimangutan ko siya.

"Ang sama mo." sabi ko sa kanya kaya natawa si Ate Aiora.

"Tsk! Kung ako kay Aiora, sasagutin ko na lang iyong manliligaw niya kaysa sa gagong 'to." pagpaparinig ni Tyler kaya minura siya ni Hendrix at nag-iba agad ang timpla ng mukha.

Napailing na lang silang lahat at tumingin ulit sa akin.

"Baka naman gusto niyo muna alagaan si Baby Matthew? Aba! Nangangalay na ako!" angal ni Everleigh kaya agad akong humiwalay kay Zel at kinuha iyong inaanak ko.

"Sorry, Everleigh." paumanhin ko sa kanya pero ngumiti lang siya sa akin.

"Okay lang, Ate. Cute naman eh. Medyo mabigat lang talaga." biro niya kaya natawa ako.

Naramdaman ko naman na pumulupot na naman sa akin si Zel at napatitig sa inaanak ko. Kumunot ang noo niya at lumapit pa ng husto sa bata. Nagtaka naman ako sa inasta niya.

"He looks familiar." sabi niya pero agad din naman nagkibit balikat at hinalikan ako sa sintido.

"Yown! So kailan niyo balak magdagdag ng bagong baby sa barkada? Kakapanganak lang ng asawa ko oh. Baka gusto niyong sumunod?" biro ni Kuya Simon kaya namula ang mukha ko.

"Papakasalan ko muna baka makatakas na naman eh." sagot ni Zel na naging dahil kung bakit naghiyawan na naman silang lahat.

"Hello, magandang hapon." napatingin kami sa bagong dating at nandoon si Habi sa may bungad ng pinto nakatayo.

Alanganin siyang napatingin sa aming lahat bago ako lapitan. Tumayo naman si Yell at agad na lumapit kay Habi.

"Nice to meet you, Habi. Buti at hindi ka nahirapan sa pagpunta dito," lumingon naman sa akin si Yell. "Sorry if make pakielam na sa gamit mo. Ako na sumagot ng phone mo kanina and I told her my address para makapunta siya dito. We want to meet her din kasi." sabi ni Yell.

"Hala, ayos lang. Thank you kasi nasagot mo agad iyong tawag. Mag-aalala kasi itong si Habi kung hindi ko masasagot agad ang tawag." sabi ko sa kanya.

Inabot ko naman kay Habi si Baby Matthew na mahimbing ang tulog kahit pa maingay sa paligid. Napangiti ako ng dahil doon.

"Salamat ulit, Eos." sabi niya kaya umiling lang ako bilang tanda na ayos lang iyon.

"So, tara na? I'm so hungry na kasi eh. Naka-ready na din yung food sa dining area." yaya ni Yell kaya agad na nagsipulasan ang mga kaibigan namin para dumiretso sa dining area. Iginaya an din ni Ate Yell si Habi na halatang nahihiya pa sa mga kasama namin.

Naramdaman ko naman na ipinatong ni Zel ang baba niya sa balikat ko at ipinulupot sa beywang ko ang mga braso niya.

"Do you want us to make a baby already?" tanong niya sa akin na parang candy lang ang hinihingi niya.

"Akala ko kasal muna?" painosente kong tanong sa kanya at pinigilan na mapangiti.

"It's fine with me. Pwede na ba mauna ang honeymoon natin?" tanong niya at pinagapang ang mga halik sa leeg ko.

Sinaway ko naman siya agad at tinignan ang paligid kung may tao ba.

"Iyang bibig mo na naman." sita ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.

Nakayapos pa din siya habang naglalakad kami papuntang dinning area kaya medyo ang hirap maglakad. Napailing na lang ako sa pagiging clingy niya.

Pagpasok namin sa dining area ay nakapwesto na ang lahat sa hapagkainan at abala na sa pagkain.

Lascivious Series #4: Fumble and Twist (COMPLETED)Where stories live. Discover now