Chapter 5

75 3 0
                                    

Kung nakakamatay lang ata ang titig ngayon sa akin ni Sir Alastair ay siguro kanina pa ako nakabulagta sa sahig. Wala naman akong ginagawang masama. I'm just doing my job in a right way. Nothing more, nothing less.

Isang linggo ang lumipas simula ng mangyari ang gabing 'yon na pilit ko nalang na iniiwasan at iniignora. Ipinukos ko lamang sa aking mga gawain ang atensyon ko. Natutuwa ako dahil hindi na masyadong masungit sa akin si Manang Letisha. Ngumingiti na rin siya sa akin kahit papaano ngunit minsan ay pinagsasabihan ako nito.

Yumuko ako at nagtuloy tuloy sa paglalakad patungong kusina upang iwasan ang mga tingin sa akin. Tahimik kong inilapag ang inutos sa akin ni Manang.

Sa susunod na araw kaarawan ni Sir Gregory kaya abala ang mga tao sa mansyon. Sa likod, sa malawak na hardin gaganapin ang ika-limampu't siyam na kaarawan ng Senyor. Ngayon palang ay marami na kaagad ang tao nag aasikaso at talaga namang engrande iyon. Sigurado akong malalaking panauhin ang mga dadalo.

"Dalhin mo na ito sa labas, Ara ata baka nagugutom na ang mga tao doon.” Tukoy ni Manang sa hinanda nitong meryenda para sa mga tao na nag aayos sa labas.

Kaagad akong tumango at kinuha ang nasa box upang dalhin iyon.

Kitang kita ko ang karangyaan ng disenyo ng makalabas ako sa likod. Hindi magkanda uga uga ang mga tao sa kani kanilang trabaho. Mula sa event organizer hanggang sa mga staff nito.

Inilapag ko doon ang hawak ko at inaya ang mga ito. Nagsitanguan lamang sila.

Bumalik ulit ako sa kusina upang ihatid ang pagkain sa sala kung nasaan ang mga bisita nandoon na kamag anak ng Senyor.

Dahan dahan akong naglalakad at tila ingat na ingat sa aking dala. Sa kadahilanan ay ayokong pumalpak kahit ngayon lang. Nakahinga ako ng maluwag ng mailagay ko doon ang pagkain ng maayos.

Sumalubong naman sa akin ang nakakamatay na mga titig ni Sir Alastair na kaagad kong iniwasan.

“I can help you, Miss!” A man voice suddenly insisted. Kinuha pa nito ang tray na hawak ko dahilan upang mapatingin ako sa kanya.

“No, Sir! Ako na ho dahil katulong rin naman ho ako dito.” Binawi ko ang tray pagkatapos ay yumuko.

He's crazy! Hindi ba obvious sa uniporme ko?

Nailing akong bumalik sa kusina at si Lylia naman ang nadatnan ko.

“Kaya pa ba today, Ara? Naku, mas doble ang pagod natin bukas!” Lylia told me while washing the dishes.

Ngumiti lang ako sa kanya.

“I'm a bit tired. But kaya pa naman.” Sabi ko.

Nagpatuloy ako sa aking gawain hanggang sa lumipas ang araw na 'to. At sa sumunod na bukas ay naging abala pa ang mga tao. Nagsidatingan ang ilang kamag anak ng Senyor kaya mas lalong nadagdagan ang gawain namin.

Tahimik kong inayos at nilinis ang guest room kung saan tutuloy ang kamag anak ng amo ko.

I silently wipe my sweat as I started to map the floor. Nakakatawa lang! Because I've never done this before. Not in my life! I've never imagine na magagawa ko 'to dahil lang sa pera.

Though, kaya ko namang gawin. Ngunit hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtatagal. Hindi ko alam kung kailan ako kukunin ni Mama. Yun lang naman ang hinihintay ko pagkatapos ay aalis kami at mamumuhay ng tahimik.

“Babe—baka..baka may makakita sa atin uhm.” My eyebrow suddenly ceased as I heard some murmured outside.

Awtomatiko akong napahinto sa aking ginagawa dahil sa narinig ko. Kaagad akong tumayo bitbit ang hawak kong Map.

ALASTAIR ARMENDAREZWhere stories live. Discover now