chapter 34

4 0 0
                                    



Tuloy tuloy ang pagkaabala ko sa trabaho. Adriend sent bouquet of flowers again.. Hindi pa nga ako nakakapagpasalamat at may panibago na naman. Kaya may kahulugan na ang tingin sa akin ni Berta at Candy. Hinayaan ko na lang ang tingin nila.


“I forgot to tell you, sis.. I gave your number to him last night, hiningi niya kasi..” sabi ni Candy sa akin noong inaayusan niya ako. Tumango ako, ayos lang naman.

“Alam mo ba ang number niya? Hindi pa kasi ako nakakapag thank you sa kanya.” tanong ko. Ngumisi siya sa akin at kinuha ang kanyang phone.

Binigay niya sa akin ang number ni Adrien kaya nagpasalamat ako at mabilis na nagtipa ng mensahe.

To: Adrien Cuangco

Hello, this is Mavis. I forgot to thank you for the flowers last time and today. Thank you so much, I appreciate it.


Tinago ko kaagad ang phone ko at hinayaan si Candy at Berta na ayusan ako para sa isa ko pang photoshoot. This photos and videos will be displayed on every branch of Splendure. It's the jewelry brand. Partner ng Celestial Beauty.

Berta even said na pupwede ring ipabillboard. Hindi pa ako handa para roon but it was exciting.

Nilagyan nila ako ng fake nails at talagang inayos ang aking postura. I am wearing lace white stringed dress. I am not wearing any bra right not but it is fine. Parang itinali lang sa aking balikat at likod ang aking suot. It was bareback at mayroong mataas na slit sa kanang hita. Ang suot kong puting platform pumps. Ang buhok ko ay mayroong hair extensions at sobrang haba nito. Sa tingin ko ako si Rapunzel.

Pinahawak sa akin ang mamahaling bag at isinabit sa akin ang mga mamahalin alahas.



Nauna ang pictures na madali ko ring naintindihan kung paano gawin. The white background and blinding lights, I got used to it. I posed and exposed every jewelrey that I have.

Mula sa hikaw hanggang sa singsing na suot ko.


“Ang ganda!” sigaw ni Berta habang pinapanood ako sa taas ng platform.


They used more expensive and new model of camera for my video. Napakalinaw nito at talagang maganda.


“Mavis, walk from there to here..” turo sa akin ni Candy.

“Go girl!” sigaw ni Berta sa akin at sumigaw sigaw pa. Natawa ako roon at ginawa ang sinasabi ni Candy.

Hindi ako kasing galing ni Chimera magcat walk pero sinusubukan ko. I'm a face model, hindi naman ako runway..

I walked fiercely. Sinundan ng tingin ko ang malikot na camera. Minsan ay bigla itong lumalapit sa akin kaya umuulit dahil nagugulat ako. But as time passes by, nasanay na ako.

I walked more fierce and followed the camera using my eyes. Lumalapit ito to emphasize the jewelries that I am wearing.


“Great job!” sigaw ng cameraman at ng director. Napangiti ako at nagpasalamat sa kanila.

Bumaba ako sa platform at pinakita nila sa akin ang mga picture ko at video. Napaawang ang labi ko dahil doon. It was really pretty amazing!

I love the video so much. Para akong sanay na sa larangan ng modeling dahil doon.

“I love the stares..” Berta said and replayed the video.

“Then photos looks so amazing, too.. Ikaw na talaga..” sabi naman ni Candy sa akin.

When Things Fall ApartWhere stories live. Discover now