2

6 2 0
                                    


Tapos na ang shift ko sa trabaho at nag iintay na lang ako ng pagdaan ng bus dito malapit sa simbahan ng Quiapo. Mag 7 pm na at mdami na naman akong kalaban sa pagsampa sa bus. Ano pa bang bago. Napailing na lang ako.


Maya maya pa, may dumaan na bus kaya dali dali kaming nagtakbuhan papunta sa pintuan. Balyahan at tulakan kami para makasakay ng bus. Parang may pa raffle ng kalahating milyon. Hahahahaha!


Nakaakyat na ako sa bus at maswerte ako dahil may upuang bakante. Umupo ako sa blangkong upuan malapit sa bintana. Hinugot ko ang earphones ko at ipinasak na sa tenga ko. Mahabang byahe na naman pauwi.



****

Nasa bandang Sta. Mesa na kami nung may umupo sa katabing upuan ko. Hindi ko naman sya pinansin kasi ugali kong mandeadma ng mga nakakasabay sa bus. Baka tanungin pa ako neto if open minded ba ako. Ngeeek!


Ipinagpatuloy ko lang ung pagmamasid ko sa bintana at maya maya pa umaragkada na ulit yung bus.


*****



Nasa may San Juan na kami nung pinansin ko ung katabi ko. 


Nakajacket na itim, black na jansport, navy blue na cap. Yakap yakap nya lang ung bag nya.Kanina ko pa din naamoy yung pabango nya. Amoy ng gwapo. Ahahaha! Maya maya pa, tinanggal nya na ung cap nya..

Pakunwari akong lumingon sa direksyon nya...


Ay shet gwapo naman ni kuya. Kahawig sya ng Japanese crush ko, si Kento Yamasaki 0______0


Ibinalik ko ung tingin ko sa bintana at umayos ako ng pagkaka upo ko.


Lord, pag bibigyan mo ako ng jowa, sana kasing gwapo ni Kento.


Napansin kong kinuha ni kuya ung phone nya mula sa bag nya. Mukhang may tumatawag sa kanya.


Hello Ma. Opo pauwi na po ako. Mamaya na lang po tayo mag usap ulit nasa byahe pa po ako. Opo nakabili na po ako ng pagkain ko. Ingat po kayo dyan.


Alam mo yung ang authorative ung boses nya na ang sexy? Ganernnn!


Bumuntong hininga si kuya tapos isinandal nya yung ulo nya sa upuan.Ibinalik ko na lang ulit ung atensyon ko sa pagtanaw sa labas.


Ortigas! Ortigas na. Yung bababa ng Robinson tumayo na!


Kumilos ung lalaking katabi ako at unti unting tumayo.


Owww, dito din sya baba?


Pagtabi ng bus, isa isang nagbabaan ang mga pasahero kasama na kaming 2 ni kuyang pogi.


Pagkababa ng bus, naglakad na sya palayo at tanging ung likod na lang nya ang tinitigan ko.

Bus LoveWhere stories live. Discover now