6

6 1 0
                                    

Isang linggo na simula nung nakasabay ko sya pero until now hindi ko na ulit sya nakasabay pa. Madaya ka talaga Lord. Pinakilig mo lang ako pero hindi mo pa tinuloy tuloy. 


Day off ko ngayon at nandito ako sa SM nagtitingin ng pwedeng isuot sa pupuntahan namen ni Steff. Inaya nya kasi akong sumama sa lakad ng mga kaibigan nya sa opisina. Choosy pa ba ako. Libre naman daw nya. Outing sya sa Zambales so naghahanap ako ng maayos ng dress at swimming attire. Magkikita kami ni Steff after ng trabaho nya tapos sabay na kami mag didinner at uuwi.



Nagikot ikot ako at nung feeling ko na hilo na ako, pumili na ako ng damit at nagbayad sa counter. Bakit ba ang hirap maging babae no? Pipili lang naman ng damit inaabot pa tayo ng 5 oras?? O.o


-------






Sabado.. outing ng mga kaibigan ni Steff sa opisina. Sa Cubao ang tagpuan. Mag commute lang kami para tipid kesa magdala ng sasakyan.




Pagdating sa Cubao isa isang pinakilala ni Steff ung mga kaibigan nya. Syempre ang ate nyo todo smile at pakilala. Very accommodating and friendly din naman sila kaya hindi mahirap makisama.


Maya maya pa inabot na nila ung ticket sa amin isa isa para maka akyat na sa bus.


Wala pa si Gab.... narinig kong sabi nung isang lalaki na hindi ko matandaan ung pangalan.


Jusko 15 ba naman kami kaya hindi ko maalala agad lahat ung pangalan nila.


On the way na daw sya. Natraffic lang. Sabi nung isang girl sa likod.


O sige mauna na kayo umakyat. Iintayin ko na lang sya dito sa baba. sabi ulit nung lalaking matangkad.



Umakyat na kami ng bus. Syempre window seat ang ate girl nyo. Pagka akyat at pagka upo ko, nagmusic na lang ako at dumungaw sa bintana. Ilang minuto na lang naman babyahe na.


Okay ka lang? si Steff


Tumango ako at ngumiti. Dadating pa ba ung kasama na isa?


Tumango si Steff. Malapit na daw sya.



Ibinalik ko na lang ulit ung tingin ko sa labas ng bintana. Maya maya pa narinig ko na ung konduktor na nagsabi na paalis na kami.


Lumingon ako kay Steff. Kumpleto na tayo???


Oo andyan na si Gab katabi na ni Allen.


Ahh okay. Umayos ako ng upo at maya maya pa umandar na ang bus. -----

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: May 11, 2022 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Bus LoveDove le storie prendono vita. Scoprilo ora