Chapter 1. Our first met.

3.8K 92 7
                                    

Author's Note:
Hello to anyone and everyone!
I edited the whole story. Hopefully, you guys won't be confused. You could also imagine that Duke Park is the person you like, or what is known as y/n nowadays. Also, credit to the owners of the images and the story's cover. However, this story is entirely fictional. Any places, names, actions, moments, and other matters within the story are fully made by the playful and colorful imagination of the author. I also apologize for my grammar mistakes, so, please bear with me ^^. I hope you all had fun!


























     Bata pa lang talaga ako'y laki na 'ko sa reyalidad na matutong magtipid dahil hindi naman ako galing sa pamilyang marangya.

Ilang taon din kami naghirap kakahanap nang mauutangan at ipangbabayad.

To the point na 3 years old lang ang bunso kong kapatid at nagkasakit pa sa baga ang tatay ko kaya nawalan siya ng trabaho saka may binabayaran pa siyang motor. Kaya humantong talaga kami sa punto na i-sanla ang bahay namin para sa araw-araw na gastusin.

Taong 2017 nang matapos namin ang bayarin sa mga pinagkakautangan ng magulang ko.

Marso 20, 2020. Ito ang huling araw ng klase ko at klase ng nakababata kong kapatid. May ipon ang tatay ko dahil sa trabaho niya bilang sekyu (security guard). Sinwerte kasi siya sa pinagtatrabahuan niya na kinakailangan magkaroon ng double duty dahil kulang sa guards kaya double pay din siya. Sa 24 hours na pagwowork niya sumasahod din siya ng halos dalawang libo kaya nakapagipon siya.

Marso 25, 2020. Umuwi kaming probinsiya which is sa Silago, Southern Leyte kung saan ipinanganak ang mama ko.

Sobrang ganda sa lugar na 'to lalo na't tabing malinis na ilog at dagat, kaya talagang magandang depenisyon ito ng salitang probinsiya.

Actually ipinangako kasi sa'min ni papa na uuwi kami sa probinsiya ngayong year 2020 dahil sa mga nagdaang taon ay hindi kami nakapagbakasyon.



     Pasakay na kami ng eroplano. Sobrang tuwa at kaba lang ang nararamdaman ko. Sobrang excited na 'ko!

Minalas nga lang ako dahil ang kapatid ko, si mama at si papa ang magkakatabi sa seats samantalang ako yung nahiwalay sa kabilang three seats. Pero okay lang, since sa tabing bintana naman ako nakaupo.

   Ilang saglit pa ang nakalipas at may umupo sa tabi ko. He's wearing a black hoodie, black jeans with white rubber shoes and a black mask, glasses and a black cap. In the other words, sobrang takip na takip ang buong mukha at katawan niya. Ang init-init sa Pinas, ta's siya balot na balot ang katawan?

Of course, hindi ko maiwasan tumingin sakanya dahil ang weird at baka mamaya masamang tao pala siya. Napansin ko namang nakatingin at papalapit sa direksyon namin ang stewardess, and what? Tama ako.

"Mr. Stanley, everything's clear. The business class seat is available for you. We truly apologize for any inconvenience caused." Mahina at mahinahon niyang sambit. Hindi ko napigilan ang sarili kong magulat dahil tao lang din ako. Nan'laki ang mga mata ko dahil sa narinig ko. Ano kaya ang problema at bakit nasa economy class siya nakaupo?

"No, thanks. I like my seat here." His voice is quite appealing, manly, and deep. I've never heard a voice like that before. Boses pa lang, ang attractive na, pero parang malaki ang agwat ng edad namin. Pero, age doesn't matter naman e!

"I paid for two seats, right? Let the passenger who was supposed to sit here and on my right side take my seat in the business class. I want this sit with no one sitting." He added as he tapped the seat on the right side. His tone of voice sounds so cold.

"Okay, Mr. Stanley." Nakangiting sagot nung stewardess.

Jusko kung nasa jeep lang ako nakaupo, uupo na 'ko sa ibang upuan. Sobrang na-aawkward at nahihiya ako, it feels like basta ganern!

11 Years Age GapWhere stories live. Discover now