Chapter 22

19 0 0
                                    

Sophia's POV

Saturday ngayon at naghahanda ako para sa date namin ni Renz. Naligo at nagbihis na ako wearing a casual dress and flat shoes.

Hindi naman niya sinabi kung saan kami pupunta kaya okay na siguro to.

*knock knock*

"Baby, nasa baba na si Renz" sabi ni Nathan na nakasilip sa pinto

"Okay, I'm coming" sagot ko habang nag-aayos sa harap ng salamin

After my finishing touch at ready na ako, bumaba na ako.

Nakaupo siya sa sofa at kausap si Nathan. Tumayo din siya nung nakita niya na ako.

"Hey there beautiful" bati niya sakin

"Let's go?" dagdag pa niya na sinagot ko ng tango

"We'll be going Nathan" paalam ko

"Okay. Be careful on the road Renz"

"Sure" sagot naman niya

Lumabas na kami at sumakay sa sasakyan niya

"Saan tayo pupunta?" tanong ko

"You'll see" sabi naman niya

After an hour of driving, dumating din kami sa destinasyon namin. We are currently here at some park pero wala masyadong tao.

Lumabas kami ng sasakyan and he started walking kaya sumunod ako. Pero dahil sa bagal kong maglakad, hinawakan na niya ang kamay ko and led the way kung saan may nakalatag na mat sa ilalim ng isang puno na may malaking basket na nakapatong.

"We're eating here?" tanong ko pagkaupo

"Yes. I cooked for us" sabi niya sabay abot ng blanket sa akin kasi nga nakadress ako

"Thanks. Anong niluto mo?"

"My specialty. Don't worry, masarap to" sabi niya

"Just make sure hindi sasakit ang tyan ko dyan" pang-aasar ko

"Grabe. Edible naman to" depensa niya

"I know. I was just kidding" sabay tawa

"Babaeng to. Hahanap-hanapin mo ang luto ko for sure" pagmamalaki niya

"Talagang confident ka sa luto mo ah? Matikman nga"

*Chomp*

*Chomp*

Ang sarap nga! Ng egg sandwich with ham. -___-

Anong espesyal dito? Kahit sino kayang gawin to. Pinagloloko talaga ako ng lalaking to. Tss

"Oh dahan-dahan naman. Mabulunan ka niyan eh" pang-aasar niya

"Tse. Specialty daw. Eto na yon? Lunch na to?" inis na sagot ko.

Tinapay lang papakain niya sakin? Gutom na gutom na kaya ako. Kahit lantakan ko pa lahat ng tinapay na yan, hindi ako mabubusog. T__T

"Ang takaw mo talaga. Snack pa lang yan. Mamaya pa yung main dish. Excited ka masyado. Sige na, kumain ka na lang" sabi niya na natatawa pa

Kumain na lang ako at hindi na nagsalita. Masarap din naman eh, though kanin at ulam ang ineexpect ko na lang nung basket na to. Pero wala eh, tinapay lang talaga at inumin. Kulang pa talaga to T______T

"After you eat, let's take a walk. Para pagdating namin sa resto, gutom ka na uli" tinignan ko na lang siya ng masama at saka kumagat uli sa tinapay

Naglalakad na kami papunta doon sa restaurant na sinasabi niya ng mahagip ng mga mata ko yung mga batang naglalaro at naghahabulan sa park.

Ang saya nilang panuorin. Parang gusto ko ding sumali sa kanila.

Destined to meet...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon