AUTUMN's povNagising ako dahil sa malakas na tunog nang cellphone ko. Pikit mata ko itong inabot at sinagot ang tawag.
"Yes?"
Inaantok pa ako dahil late na akong nakatulog kagabi.
"Miss Autumn? Where are you? 10 am na pero wala ka pa dito sa university."
Psh! Oo nga pala. Ngayon ang last day para icheck ang student record ng mga bagong estudyante. At ang pagpili na rin ng mga bagong scholar.
"I'll be there by lunch."
Pinatay ko na ang tawag at bumangon na mula sa pagkakahiga ko. I wonder how many students got accepted by the honor students, at ng mga professor ng university.
Kada taon ay may pinipili ang mga honor students na magiging scholar nila. You need to impress the Elite which is the honor students.
Last year ay nasa 110 ang napili nila but I don't know kung ilan ngayon. Plus 20 scholars na kaming apat ang mag-i-sponsor.
Kung sino ang nakaisip ng gawain na ganyan? Walang iba kung hindi si mommy at ang dating board members nang DVPU. Hindi ko na ikikwento dahil wala na akong oras para doon.
Matapos kong maligo at maayos ang sarili ko ay umalis na rin ako para magtungo sa university. Nothing change. Ganoon pa rin.
Next week ay magsisimula na ang klase kaya naman sobrang abala na ang lahat. "There you are Miss Autumn. Kanina ka pa hinihintay ni Miss Jereen."
Tumango ako kay Eric at dumeretso sa opisina ko. May mga papel akong naabutan na nakasalansan sa office table ko. Nilingon ko si Eric.
"Miss Autumn, ibinigay 'yan kanina ni Miss Jereen. I think list 'yan nang mga estudyanteng napili nila para sa scholarship."
So tapos na palang pumili ang mga professor ng scholar nila? I wonder kung ilan ang napili nila. Yes bukod sa pipiliin ng Elite at naming apat, pipili rin ang mga professor dito nang gusto nilang maging scholar.
Naupo ako sa swivel chair at isa-isang tiningnan ang profile ng mga estudyante. They only got 60 'e, as far as I remember last year they have 75.
"How about the list of new students from different courses?"
I asked him again. "Na kay Miss Jereen pa Miss Autumn." Napatango ako sa kanya at muling tumayo para pumunta sa opisina ni Jereen.
Isa si Jereen sa nagkaroon nang mataas na posisyon dito sa university. Since pamilya nya ang may malaking shares dito.
Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto at pumasok. "Hi Autumn, nandito ka na pala?"
Tumango ako bago sinilip kung ano ang ginagawa nya. "Checking?" I asked and she nodded at me. "Hmm."
"How about the Elites? Are they done picking their scholars?"
Tumingin sa'kin si Jereen. "Why in a hurry Autumn? Mahaba pa ang oras hanggang mamayang 4 pm pa, but don't worry they are about to finish."
That's good. I want to go home as soon as possible. Nabobored ako 'e.
"How many trasferees do we have this year?" I asked again as I sat down on couch from Jereen opposite direction.
"Hmm. We only have 20 transferees from different university, meron rin dalawa mula sa ibang bansa."
I see. "What are you planning to do this time Autumn? Wala ka pa rin bang plano?"
Umiling lang ako kay Jereen bilang sagot. Wala namang ka-intere-interesadong nangyari kaya bakit pa ako magtitiyagang pumasok araw-araw dito sa university?
BINABASA MO ANG
Autumn's Undying Love (Four Season Series 1)
RomanceAfter two long years, Autumn accidentally saw Khaine at the mall and was astounded seeing her alive and well. She is the woman Autumn has been waiting for. The woman everyone thought was dead. But Khaine didn't remember anything about her. Autumn d...