[Part XXI; Chapter XVIII] Her Memories (pt.2)

472 23 0
                                    


KHAINE's POV

MONDAY na naman. 9 na ng umaga at kagigising ko palang. Mamaya pang 2pm ang klase ko kaya late ako gumising ngayon.

Isa pa ilang araw na akong late nakakatulog dahil hindi mawala-wala sa isip ko ang nangyari sa loob ng kotse ni Autumn, 2 days ago.

Iwinaksi ko na sa isipan ko ang mga iyon at kumain. Nagugutom na rin ako, e. After that nagreview muna ako dahil may quiz kaming gagawin mamaya.

Medyo marami rin ang nireview ko kaya halos diko na namalayan ang oras. By 1 pm ay nagtungo na ako sa university.

Hours had passed and we are waiting for our last subject professor. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cell phone ko.

Pagbukas ko ng message na natanggap ko,

Autumn;
Meet me at the west building rooftop after your class.

Nangunot ang noo ko, ano na naman kayang gusto ng isang ito? Gusto ko na siyang iwasan e. Hindi ko na siya nireplyan dahil dumating na rin ang professor namin.

5:10 pm

Pupuntahan ko ba si Autumn? Ano kayang kailangan niya?

5:20 pm

Sinabi ko naman na sa kaniya na ayoko ng maalala pa ang nangyari, e. Bakit ba kasi makulit ang babaeng 'yon?

5:30 pm

Pasimple kong binasa ang bagong text na natanggap ko mula kay Autumn.

Autumn;
Hihintayin kita, Khaine.

Naku naman Autumn.

5:40 pm

Hindi naman siguro importante ang sasabihin niya kaya pwede naman sigurong bukas na lang kami mag-usap.

Gusto ko lang makaiwas muna sa kaniya, dahil hindi na rin maganda ang nararamdaman ko sa tuwig nandiyan siya.

5:50 pm

Okay, desidido na ako. Bukas ko na lang siya kakausapin.

6:00 pm

Finally, uwian na. Wala akong naintindihan sa mga diniscuss ng professor namin dahil wala akong ibang iniisip kong hindi si Autumn.

Bakit ko ba kailangang isipin ang isang 'yon?

Lumabas na ako ng room at naglakad patungo sa parking lot. Hindi naman siguro magagalit si Autumn kung hindi ko siya pupuntahan diba?

6:20 pm

Nandito pa rin ako sa parking lot. Ang sabi niya hihintayin niya ako. Pero siguro naman ay umalis na ang isang 'yon.

6:30 pm

Argh! Bumaba ako ng kotse at bumalik sa loob ng university. Mayroon pang may klase dahil hanggang 7 pm ang iba.

Naglakad ako patungo sa west building at umakyat sa rooftop, pagbukas ko ang dilim, pinagloloko lang yata ako ng isang 'yon e

Autumn's Undying Love (Four Season Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon