Journey 4//

18.2K 400 27
                                    

Journey 4//


“Saan tayo pupunta?” Tanong ko kay Daniel, pagkatapos kasi ng performance namin hinila na niya ako kung saan.

“Dito na lang tayo mag-date.”

“Dito? As in dito sa school?” Nasa loob kasi kami ng elevator.

“Pasensya na ha? Alam mo naman yung nangyari nung una tayong lumabas. Ayaw ko ng mangyari pa ulit ‘yon. Dito nalang tayo ha? Okay lang ba sayo?” Nakatingin lang ako sakanya at pilit na itinago ang disappointment ko. This will be my first date…kaya nakaka-disappoint naman kung dito lang magaganap ang first ever date ko.

“Okay lang sakin.” I fake a smile. Pero tiningnan lang niya ako na parang ayaw maniwala.

“Okay lang talaga sa akin.” Ngumiti na lang ako at nauna ng lumabas sa elevator nang bumukas na ito.

“Wait…” Hindi ako lumingon pero biglang nandilim ang mga mata ko. Nilagyan niya ng piring ang mga mata ko.

“Uy…bakit may ganito pa?” Hindi niya ako sinagot. Hinawakan lang niya ako sa kamay at dinala kung saan.


“Sit here. H’wag mong aalisin ang blindfold mo kung hindi ko pa sinasabi ha?” Tumango na lang ako bilang sagot.

May narinig akong mga kaluskos, mukhang may hinahanap siya. May narinig din akong parang ini-off ang switch.

“Pwede mo ng tanggalin ang blindfold…Kath.”

Pagkarinig ko non, inalis ko na ang piring ko. Wow. Nasa may isang room kami, dito kami unang nagkakilala. Naka-off ang mga ilaw at may mga Christmas lights din at may table din sa gitna.

“Tingin ka naman sakin oh.” Narinig kong sabi ni Daniel. Tumingin ako sa likuran ko at doon ko nakita si Daniel na may hawak na mga cardboards.

Nakita kong ngumiti siya, kaya napangiti na rin ako.

Ipinakita niya ang isang cardboard na may nakasulat na “KATH”

At sumunod naman ang “THIS”

“IS” at sunud-sunod na ang mga ipinapakita niyang mga cardboards ,
Hanggang sa nabuo ang “KATH, THIS IS NOT A PERFECT PLACE FOR A DATE, BUT WE HAVE MUTUAL FEELINGS TO SHARE FOR A PERFECT DATE.”
                          
Natulala ako pagkatapos kong mabasa ang mga yon. ‘We have MUTUAL feelings to share for a perfect date?’ Mutual? Ibig sabihin ba eh gusto din niya ako?                                                                                                                                       

“Meron pa, and this is more important.” Na-curious naman ako kung ano yon, mukhang napaka-importante naman yata non.

Lumapit siya sa may white board then idinikit niya ang mga cardboards sa mga sabitan na nandoon.  At nabuo ang…

[C   A   N     I    C  O  U  R  T    Y   O   U?  P  L  S   S   A   Y   Y  E  S ]

Nanlaki ang mga mata ko. Sino ba naman ang hindi? Sa two weeks na magkasama kami, akala ko wala siyang gusto sa akin, then this is what happened.

“I know you’re thinking why I’m so fast for this. But I’m having difficulty, difficulty on hiding my true feelings for you. The first time I saw you singing, I knew you were the one. Then when you admitted that you’re an orphan…you got my heart. I can’t believe a girl like you can easily to say that she’s an orphan. You have the courage and confidence; it was proven at the seven-eleven when you talk back at those girls.” Lumapit siya sa akin habang nakangiti siya.

“At nung hindi mo alam na isa akong online celebrity…mas naging interesado ako sayo. Nung sinabi mong gusto mong magmadre, nasaktan ako non kasi paano na tayo kung magmamadre ka? Pero nung sinabi mong hindi naman talaga pagmamadre ang gusto mo…at ang gusto mo lang ay ang tumugtog habang nakikinig ang mga bata, napabilib mo ako. Because of you, I experienced falling in love. And I could say falling in love with you makes my life better.”

Habang sinasabi niya ang mga ‘yon…naluluha ako. Ang sarap ng feeling na mahal ka ng taong mahal mo. Sa lahat ng mga sinabi niya, naniniwala ako dahil alam kong totoo siya.

“Daniel…”

“Isa pa iyang pagtawag mo saking Daniel. Every time you will call me with that name, I feel I’m important to you.” Hinawakan niya ang dalawa kong kamay, “Can I court you? Will you let me prove my sincerity?”

I place my right hand in to his face, “You already proven it.”

He wipes my tears, “Gusto ko munang makita mo kung paano ako manligaw.” Then he laughed, hinawakan niya ulit ang dalawang kamay ko at hinalikan ang mga iyon,“Thank you Kath.”



THE UNSEEN SUPERSTAR (KathNiel) [Finished]Where stories live. Discover now