Prologue

125 16 33
                                    

Prologue

Fuck this life.

I never thought that reaching my dream would be this hard. Sa dami kong gustong maabot, sa haba ng gusto kong marating, hindi ko akalain na aabot sa ganito ang lahat.

Nandito na ako, eh. Malapit na ako sa mga bagay na gusto kong makuha. I did everything just to make myself on top of everything. Ginawa ko ang lahat para mapakita ko sa kanilang lahat na hindi ko kailangan ng sino man para umangat ako.

But what is this?

Habang nakatingin ako sa kumpol na mga tao, habang nakatapak ako sa entablado kung saan ako nakilala, habang nasa paligid ko ang mga taong matagal kong nakasama... alam kong dito na matatapos ang lahat.

Wala pa man, alam kong sira na ako. Durog na durog na ako.

Namatay ang naka-flash sa malaking LED screen na nasa likod ko. Kasabay ng malakas na usapan ng mga tao ay ang paglaglag ng aking mga luha. Nakatingin lang ako sa kanila, tulala at hindi alam ang sunod na gagawin.

I wish this is just a dream. I want to wake up from this fucking nightmare and fix this mess that I made. Kaya kong ayusin ito, gaya ng lagi kong ginagawa.

Pero ito ang reyalidad. At kailangan na harapin ko ito.

"She's a slut."

I shut my eyes when I heard those comments. Mali sila. Hindi ako ganoong klase na tao.

"Paano niya nagawa 'yon? Para saan? Para mas umangat sa iba? Sip-sip naman pala siya kung gano'n."

Umiling ako. Hinding-hindi ko gagawin iyon dahil kaya kong umangat nang hindi humihingi ng tulong sa iba.

"Paalisin niyo na 'yan!" sigaw ng isa.

"Kadiri! Nagbayad kami para mapanood ang babaeng 'yan?!"

"Malandi!"

I flinched when someone throw a bucket of popcorn on stage and it hit my face.

"Everyone, calm down!"

Nanginginig ang mga kamay ko. Sinilip ko ang mga kasama ko sa stage pero ganoon din ang reaksiyon nila, nandidiri na may halong galit.

Hindi ko kayang sikmurain ang mga mapambintang nilang mga mata. Ayoko nito. Hindi ko kaya. Nasasakal ako.

Walang pasabi akong tumakbo pababa habang patuloy nila akong sinisigawan. Wala na akong pakialam sa sasabihin nila. Pagod na pagod na ako. Gusto ko na lang magtago mula sa lahat at umiyak.

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko pero naramdaman ko na lang bigla ang pagbagsak ko sa sahig. Naputol na ang takong ng suot kong heels at nagdulot iyon ng sugat sa aking paa.

"Fuck," I cursed under my breath.

Hinimas ko ang aking paa. Nalaglag ang ilang patak ng luha ko doon pero hindi ko na iyon pinalis. Hinayaan ko na lang na malaglag sila at umalpas mula sa aking mga mata.

"Paano mo nagawa 'yon?"

Umangat ang tingin ko sa nagsalita at mas lalo akong nadurog nang magtama ang mga mata namin. Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya at ang galit na namumuo doon.

Hindi ko siya masisisi.

Kasalanan ko ang lahat.

"Please... just say a word. P-Pakikinggan kita... parang awa mo na."

I sobbed as soon as I heard his trembling voice. Kagat-kagat niya ang kaniyang labi habang pinipigilan ang pag-alpas ng luha sa mga mata niyang nanunubig na.

Pero alam ko namang huli na. No explanations can heal the wound I caused to him. I'm a damsel in his life. I'm not good for him.

I'm not the one for him.

"Yhancee..."

Please, don't say my name again.

"Let's just... end this. Parehas na tayong pagod, Clyde," I said. Tumayo ako at pinantayan siya. "I made a mistake, and you should remember that. Sinaktan kita kaya dapat kalimutan mo na ako. Wala akong magandang naidulot sa'yo kaya parang awa mo na... alisin mo na ako sa buhay mo."

Matapos kong sabihin iyon, tinalikuran ko siya at tumakbo papalabas ng school.

Habang papalayo ako sa kaniya, umaasa ako na sana habulin niya ako at yakaping muli.

Pero ito ang tamang gawin.

Leaving him might be the hardest thing I've ever done before but I think, this will be also my greatest nightmare.

Wala naman kasing forever.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Artists Series #5: Behind The Broken MaskWhere stories live. Discover now