Kita na, kita.
Nakilala kita ng hindi inaasahan
dumating ka sa buhay ko ng biglaan
puso kong nanahimik bigla mong tinambayanPagod na ako sa sakit
pag-ibig, matagal ko ng nilimot
pasakit ng nakaraan
ayaw ko ng maranasanMasaya ako sa buhay ko
kuntento na ako sa meron ako
wala na akong hinahanap pa
pero may bonus na IKAW pa palaNakilala kita dahil sa kapatid ko
tingin ko sayo noon una ay estranghero
sayo ay hindi interesado
pero loob ko ay nakuha moSa simula ay ayoko
para sa akin kaibigan lang kita
wala akong nararamdaman para sa'yo
hanggang sa biglang may nagbagoUmamin ka na gusto mo ako
nasaktan kita kasi sabi ko ayoko
puso ko ay hindi pa handa
hindi ko kayang suklian ang nadarama moNgunit isang araw
bigla na lang akong nagising
nakita ang mga bagay na magaganda sa iyo
di ko namalayan, unti-unti na akong nahuhulog sa'yoLumalim ng lumalim
hindi ko na napigilan
ang puso ko ay napasaiyo
at heto ako ngayon sa harapan moNakangiti dahil nakita na kita.