Beggin' You

50 9 4
                                    

Maagang pumasok si Phylbert.

Hindi siya maayos na nakatulog kagabi dahil sa nangyari kahapon tungkol sa tag na nakuha ni Jace na ikinabahala niya ng husto. Pakiramdam niya, kasalanan niya kung tuluyang mapapaalis si Jace sa eskwelahan.

Ngayon ay nasa bukana siya ng gate, matiyagang naghihintay.



















PHYLBERT'S:

Magdadalawang-oras na ako dito, naghihintay sa kotse ni Reese.

Marami nang estudyante sa paligid ngunit hindi pa rin bumubukas ang gate. Bumubukas lang kasi ito pag nandiyan na sa labas ang mga kotse ng corps.

Lumipas pa ang ilang minuto bago biglang tumunog ang gate.

Ilang sandali pa ay dahan-dahan itong bumukas, agad akong napatayo mula sa kinauupuan ko.

Pumasok ang isang puting SUV.

Kaninong sasakyan kaya ito?

Tanong ko sa isip dahil ngayon ko lang 'to nakita.

Muling nagsara ang gate nang makapasok na ng tuluyan ang sasakyan. Dumiretso ito sa likuran ng eskwelahan.

Kinuha ko na ang bag ko at sinundan ang kotse.

Nakita ko na bumaba mula sa SUV si Vin. Kasunod niya ay sina Brent at Justin.

"We should try going north next time para naman maenjoy natin ang different scenery."

"Sure. Nakakasawa na rin kasi ang view dito, puro kahoy lang at semento."

"Sinabi mo pa."

Narinig ko ang pinag-uusapan nila dahil papalapit na sila sa direksyon ko.

"V-Vin.."

Nagulat si Vin nang tawagin ko siya.

"Oh? Look who's here!? What do you need, Plebeian??"

Nakita ko ang pag-iwas ng tingin ni Justin.

"I-itatanong ko lang sana kung.."

Hindi ko maidiretso ang tanong ko dahil sa nakaka intimidate nilang tingin.

"What???"

"K-kung kelan darating si R-Reese d-dito.."

Pagkasabi ko non, sinulyapan ako ni Justin.

"I don't know. Why don't you ask him? Di ba nakikipag-usap ka naman sa kanya???"

Masungit na balik-tanong ni Vin.

"Yeah, di ba slave ka ni Reese?? You should know his schedule."

Puno ni Brent sa sinabi ni Vin.

"They're not close obviously.. kaya siya nagtatanong."

Biglang nagsalita si Justin.

Nahiya naman ako dahil pakiramdam ko, ipinagtanggol niya ako sa mga kasama niya..

Tumingin si Vin kay Justin at pagkatapos ay bumaling naman sa akin.

"Then, what do you want from him? Why are you looking for him?"

"G-gusto ko lang sana siyang makausap.."

"Huh, about what?? About ba yan kay Jace?? Alam mo na probably na siya ang nakatanggap ng tag kaya mo siguro gustong makausap si Reese to ask him na bawiin yung desisyon niya. Nakokonsensiya ka na no?"

ACADEMIA MARCADAWhere stories live. Discover now