Chartreux Identity

72 8 10
                                    

PHYLBERT'S:



Lumilipad ang isip ko papunta sa classroom.

Kailangan kong mahanap ang alaga niya.. Pero hindi ko naman alam kung saan hahanapin?? Tsaka hindi ko rin alam kung ano bang klaseng pet ang meron siya??

Baka tiger nga gaya ng sinabi niya sa akin noon? O baka naman gorilla??

Saang kagubatan ko naman hahanapin ang mga yun kung ganon?

"Hayy!!!"

"Huy? Anong problema mo?"

Nagulat ako dahil may biglang sumiko sa tagiliran ko.

Tiningnan ko kung sino.

"P-Poy ikaw pala."

Hindi ko napigilan ang sarili kong yumukod sa kanya.

"Phyl, anuba.. Wag mong gawin yang pagyuko na yan dahil hindi naman ako corp. Isipin mo nalang na hindi ko sinabi sa'yo ang nakaraan ko.. Dapat maging civil lang tayo, gaya ng dati."

"P-pero.."

"Ano ka ba.. Sige ka, pag ginawa mo pa yan hindi na kita kakausapin.."

"Uy! Wag naman ganun.. O sige na nga.."

"Ayan.. Nga pala, ano bang problema mo bakit parang pinagsakluban ka ng langit at lupa kanina? Tsaka, hindi ka na naman pumasok sa first two subjects kanina.. Anong meron?"

Sinenyasan ko siya na lumapit sa akin para hindi marinig ng iba ang sasabihin ko.

"Kasi Poy may problema nga ako.. Pumayag na si Reese na bawiin yung tag ni Jace."

"Oh? Ano namang problema don?"

"Kaya lang kasi may kondisyon siya. Kailangan ko raw hanapin ang alaga niyang nawawala.."

"Ngee.. Paano mo naman gagawin yun? May ideya ka ba kung saan hahanapin at kung ano ang alaga niya?"

"Iyon na nga ang problema ko Poy.. Tapos, kailangan bago matapos 'tong araw na ito, mahanap ko na ang alaga niya para hindi makaalis si Jace bukas."

"O? Ano pang hinihintay natin? Tara na.."

"H-ha?? Saan tayo pupunta?"

"Edi maghahanap.. Tutulungan na kita para naman hindi ka na mamroblema diyan."

Ang thoughtful talaga ni Poy..

"O? Mahahanap kaya natin yung pet niya kung tutunganga lang tayo dito? Arat na."

Hindi ko mapigilang makaramdam ng relief dahil sa pag-alok ni Poy ng tulong.

Siguro kung isa pa rin siya sa corps ngayon, isa siyang respetadong miyembro dahil sa kabaitan niya.

Naglibot-libot kami sa lahat ng classrooms sa first floor. Para na kaming mga timang dahil hindi naman kami pwedeng pumasok nalang basta sa mga silid. Kailangan pa naming maghanap ng tiyempo para makapasok at maghanap.

Wala kaming nakita kaya umakyat kami sa ikalawang palapag.

"Phyl? Impossible naman siguro na nasa classroom lang yung pet niya dahil bawal nga magdala ng alagain dito sa campus.."

"E-eh.. Pano yan Poy? Saan tayo maghahanap?"

"Bakit di natin subukan sa likuran ng eskwelahan?? Sa kakahoyan?? O baka naman sa mga dorm natin??"

Pagkasabi niya ng dorm, biglang sumagi sa isipan ko ang pusa ko..

Naku, pag pumunta kami sa dorm namin baka makita niya si Chartin...

ACADEMIA MARCADAWhere stories live. Discover now