Chapter 1

10.7K 234 19
                                    

Hello there, little Cameron.

Cameron

"Hurry, Princess!" 

Sigaw ni Kuya Charles habang kumakatok ng malakas sa pinto. Okay lang naman na ma-late kami. Bisita lang naman kami. Kung pwede lang talaga na matulog nalang ako. Pero di pwede hehe. Bukod sa magtatampo sina Tita Winter, eh malalagot pa ako kay mommy. My mommy Charlotte is very strict pa naman. 

Kadarating ko lang from Italy last night at ngayon nga ay heto, magpaparty na naman. Magtatagal pa sana ako sa Italy, pero bwisit na mga reporter kasi. Walang ginawa kundi bantayan ang bawat galaw ko. Nalaman tuloy nina mommy ba may sinampal akong artisa. Duh! Pagbintangan ba naman akong inaagaw ko ang boyfriend niyang mukha namang paa! 

"Finally!" 

"Kuya naman eh." Sabay na kami nitong bumaba ng hagdan habang nakaalalay siya sakin. Ganito talaga ang mga kapatid kong lalaki. Ako kasi ang nag-iisang babae kaya princess talaga ang turing nila sa akin. Lalo na ang mga kapatid ko, napaka over protective nila sa akin. Pano kaya ako magkaka lovelife kung daig pa nila ang mga bodyguards. 

"Sosolohin ni Dylan ang mga babae dun." Sabi nito na binuksan pa ang pinto ng passenger seat. 

"Mga babae?" Tanong ko rito pagsakay sa driver's seat. "Kuya, wedding anniversary ng mga Saavedra ang pupuntahan natin. It only means one thing. Relatives. Kailan ba sila nag-invite ng hindi nila kamag-anak?"

"Yeah." Umiling nalang ito. "Autumn is right. Family gathering is boring."

"And I'm sure nasa paligid lang din ang mga tsimosang reporters." Ewan ko ba naman kung bakit paborito kami ng mga tsismosa. Kaming dalawa ni Autumn.

Nang makarating kami sa hotel ay nagkakasiyahan na. At si mommy Charlotte, talagang muntik pa akong sermunan sa pagiging late namin ni kuya. Nang makita si Autumn sa kabilang table ay pinuntahan ko ito. "Hey, Iris Autumn Montero Saavedra."

"Hello, Cameron Spencer Alcantara Ohara." Mas mahaba pa rin talaga ang name ko. Naupo ako sa tabi niya. "How's your flight last night?" Tanong niya.

"It was fine. Yun nga lang, sermon ang sumalubong sakin sa bahay." 

"Bakit mo kasi sinampal?" Natatawang tanong nito matapos inumin ang wine. Hanggang wine lang talaga kami. 

"Akala niya inaagaw ko ang boyrfriend nya. Yuck." Napatingin ako sa dance floor. Sumasayaw ang mga kapatid ko. Pati na rin sina Ranier at ang dakilang cheater na si Jennifer. "Your ex looks so haggard."

"Haha. Stop it, Cam." 

Gusto ko nalang talagang matawa nang si Haleina naman ang lumapit dito para magsayaw. If I remember it correctly, Haleina was Jennifer's first crush. Eh pano ba yan. Cheater yan. Baka pagtaksilan naman niya ngayon ang asawa niya. Katulad ng ginawa niya kay Autumn. "Autumn, let's have fun?"

"What's your plan?" Alam na niya ang ibig kong sabihin sa salitang fun. "Wag mo idamay si ate Hea ah."

"Syempre noh. Si Jennifer lang. Titingnan ko lang kung makakasabay siya sakin sa isang sexy dance." 

"Sure. Let me change the music for you, Cam." Nang tumayo ito ay tinungo ko naman ang dance floor. Tumigil pa sa pagsasayaw ang dalawa at napatingin sa akin. Lalo na si Jennifer na nakaramdam yata ng kaba. Bigla namang nagbago ang tugtog. 

Let's Marvin Gaye and get it on
You got the healing that I want
Just like they say it in the song
Until the dawn
Let's Marvin Gaye and get it on

Bachelorette Series #2 : Haleina Saavedra (GxG)Where stories live. Discover now