Chapter 4

3.8K 179 8
                                    

Hea

"Kinausap ka ni tita Dana?"

Tanong agad ng kapatid kong Haru pagpasok palang sa private room ko dito sa hospital. Alam kong siya si Haru. Nung mga bata palang sila hanggang teenage years ay hindi mo malalaman kung sino si Hera at Haru. Pero after ng accident ni Haru noon, nawalan na ng buhay ang mga mata nito. Yes, ngumingiti at tumatawa siya pero hindi umaabot sa mga mata. Sampung taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin makamove on ang kapatid ko. Kahit na sabihin na may girlfriend na siya.

"Yeah. Nakita mo ba siya?" 

"Nagkita kami sa lobby. Okay ka na ba? Naayos mo na mga gamit mo? Sumabay ka na sakin."

"Sa motor mo?" Umiling ako. "Salamat nalang."

"Ate naman eh. May date si Hera ngayon kaya di ka niya masusundo. Ako lang available."

"Magta-taxi nalang ako."

"Sus." Naupo ito sa gilid ng kama. "Anong sinabi ni tita?"

"Hays. Gusto niyang patinuin ko ang kanilang prinsesa." Hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa batang si Cameron. At talagang nakakahiya ang ginawa niya! Hindi ako nahihiya sa pagsuntok niya, ang ikinakahiya ko ay kung paano niya ako inakit sa gitna mismo ng dancefloor! At ako naman si tanga, palibhasa lasing na, nagpaakit naman! Talagang nakakahiya!

"Mas madali pang magpaamo ng leon kaysa kay Cameron." Sabi ni Haru. "Mas malala pa kay Iris yan." 

"Nagsorry si tita eh. Sinabi ko naman na okay lang at hindi naman ako nasaktan. Pero talagang pinilit nya akong patinuin si Cameron. Nalaman siguro niya kay mommy na babalik na ako ng hacienda today. Ang sabi niya ay pasusunurin niya si Cameron bukas. Siya nalang daw bahala magdahilan sa anak niya."

"Aww. Ingat ka. Baka madali ka."

"Madali ng ano?"

"Ate naman. Cameron is one hell of a beautiful lady. Kaya nga bantay sarado ng mga kapatid niya eh."

"Dami ngang naging boyfriends ng batang yun." Syempre alam ko yun. Eh halos sila ni Autumn ang paborito ng mga reporters eh. Ang pinagkaiba lang kasi, si Cameron ay laging nalilink sa mga kalalakihan. Samantalang si Autumn, gustong hanapan ng butas ng mga reporters. Mas gusto nilang ireport yung mga kalokohan ng pinsan ko.

"Syempre, maganda kasi siya. At saka, malaki ang tiwala sayo ni tita, mabait ka eh."

"Well, kapag napikon ako sa batang yun, ihuhulog ko siya sa ilog at ipapakain sa mga buwaya."

-----

"Well, Damn you!"

Namumula ang mukha nito sa pagsigaw at sa sobrang galit. Kanino ba nagmana ang batang ito at wagas makapag mura? Hindi naman ganyan si tita Dana at mas lalo si tita Charlotte. Ewan ko lang sa mga kapatid niyang lalaki. Sino ba ang matutuwa sa ginawa niya?! Mabuti nalang at kusang huminto ang kabayo dahil kung hindi, baka bangkay na siyang uuwi sa Manila! 

"Let's go back." 

"Ayoko!" 

Shit. She crossed her arms and glared at me. Aba! Kahit naman may pagka maldita si Hera ay hindi ganito! Naupo pa ito sa damuhan at tumanaw sa malawak na kagubatan sa ibaba. 

"May ilog malapit dito, pwede kitang ihulog dun para makain ka ng mga buwaya."

"I hate you!" May nakuha itong bato at ibinato sakin. "Wag ka ngang umiwas!"

Bachelorette Series #2 : Haleina Saavedra (GxG)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin