Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Chapter 6

7.8K 594 260
                                    


PAGPASOK pa lang ni Fhergus ng classroom ay hindi na naggawa ni Luna na tumingin man lang sa lalaki kahit nang magsimula na itong mag-discuss. Siya ang sobrang nahihiya. Dapat nga itong lalaking ito ang nahihiya sa sariling pinaggagawa e at hindi siya.

“Ms. Navarro.” She froze when she heard Fhergus call her. Hindi siya tuminag. Nanatili siyang nakayuko sa papel na pinag-doodle-an niya mula pa kanina para i-distract ang sarili.

“Hey.” Beatrix gave her a slight nudge. She finally lifted her gaze from the notebook but still avoided meeting Fhergus’s eyes.

“Yes, Sir?” she asked without looking at him.

“Ms. Navarro, making eye contact during recitation is very important.”

Pumikit si Luna at ilang beses nagpakawala ng malalalim na hininga bago pwinersa ang sariling tumingin kay Fhergus. Nag-init ang kanyang mukha nang sa pagmulat niya ay makitang tila naaaliw ang lalaki sa kanya. May maliit na ngiti ito sa mga labi habang nakatingin sa kanya. Para bang nanunudyo. “What do you think the government can do to preserve languages?”

“Um…” She was about to answer when his past nocturnal event flashed in her mind like an IMAX movie. It was so vivid she could almost describe how his muscles rippled in his every thrust. So vivid she could almost hear his heavy breathing. So vivid that it was affecting her right now. She could feel the heat pooling at her center, making shivers course through her.

Biglang nawala ang nanunudyong ngiti sa labi ni Fhergus. Tumiim na naman ang mukha nito habang ang asul na mga mata ay tumalim ang pagkakatitig sa kanya. At mas lalo lang siyang naaapektuhan. Hindi niya maunawaan ang nangyayari sa katawan niya. Hindi niya kayang tagalan ang presensiya nito. Agad na kinuha ni Luna ang bag at isinukbit iyon sa balikat matapos ilagay sa roon ang notebook at ballpen saka nagmadaling lumabas. Hindi niya pinansin ang pagtawag sa kanya ni Beatrix. She aimed to distance herself from Fhergus. Patuloy siyang naglakad sa corridor hanggang sa tumigil nang tuluyan siyang makalayo.

“Mother nature!” usal niya sa sarili nang hindi na niya maramdaman ang presensiya ni Fhergus. It was a relief being away from him. Nakakaloka! Bakit ba siya nagkakaganito? Babagsak pa yata siya nito. That was their final recitation tapos hindi pa siya nakasagot. Madali lang naman iyon sagutin, e. Distracted lang talaga siya.
Naglakad si Luna hanggang sa dalhin siya ng kanyang mga paa sa isang napakatandang puno ng oak sa likod ng museum ng eskwelahan. Naupo siya sa ilalim ng puno. Inilapag niya ang kanyang bag sa kanyang tabi at kinuha mula roon ang kanyang biological anthropology textbook. Binuksan iyon sa pahina kung saan na ang kanilang topic sa klase.

One of the reasons why she took up this course was because it was related to what she wanted to find out—to study how wolves adapted to different environments, what caused death aside from what she already knew. Nagkakasakit ba ang mga ito? And she wanted to know how they interacted with one another. What kind of food did they eat, buhay na hayop ba o nagluluto rin? Saan ang mga ito nakatira, sa loob ng kagubatan o nasa cities na rin? Were they part of society already? Businessman, politicians and celebrities? What were they now? May balak ba silang manggulo? May balak ba silang pagharian ang mundo?

“Hey, Luna?” Nag-angat ng tingin si Luna kay Zandra na nakatayo sa kanyang harapan. Paganus. Anak ng mga witches, pero Siyempre hindi nito alam iyon. Saka sa ibang bansa ito lumaki. Transferee lang ito. Sikat ito sa buong campus. Head turner. Kapag naglakad na, lahat ng atensiyon ay nakukuha nito lalo na ang kalalakihan. Para bang ginagayuma nito ang lahat. Matangkad. Maputi. Maganda ang katawan. Malaki ang dapat na malaki katulad ng dibdib, balakang at puwet at maliit ang dapat na maliit katulad ng baywang. Sobrang tuwid din ang mahaba nitong buhok. Itim na itim iyon, kasing itim ng mga mata. Parang si Snow White.

“Hi!” tipid niyang bati rito. Tumabi ito sa kanya.

“What are you doing here?”

“Wala naman. Wala kasing klase,” pagsisinungaling niya.

“I see. Anyway, mukhang close kayo ni Professor Ferreira.” Sikat talaga si Fhergus sa campus. Kilalang-kilala agad ng lahat ng estudyante. Kahit saang department at kahit anong level ng studyante ay kilala ito. Ang hot naman kasi. Dami ngang inggit sa kanya dahil laging sumasabay sa kanya kapag lunch. Mag-dalawang linggo na rin. Medyo close na nga sila. Kaya nanghihinayang talaga siya ngayon kasi tiyak na magbabago na talaga iyon. Kung bakit ba naman kasi nagpapadala siya sa curiosities niya?

“Hindi naman. Sinasabayan lang akong kumain kapag wala akong kasama. Alam mo na, naaawa.”

“You can hang out with us if you want. Lagi ka na lang iniiwan niyang si Beatrix. Ipinagpalit ka na kay Kajick.”

“Hindi naman.”

“You know what, I’m planning to throw a Halloween party. Why don’t you come? Isama mo si Professor Fhergus.”

“Sa bahay n’yo? Bawal tagalabas, ‘di ba?”

“I know. That’s why I’m planning to hold it at our summer house. Malapit lang dito. So, game?”

“Susubukan ko. Magpapaalam ko ako kay Tita Maddalena.”

“Oh, come on! Don’t try, just come. I want you to be there. You need it para naman magkaroon ka ng friends. Kaya natatakot sa ‘yo ang mga tao kasi iniisip nila na mangkukulam ka.” Sinundan nito ng malakas na tawa ang sinabi pero poise pa rin. “Make friends kasi. Gayahin mo ang friend mong si Beatrix.” Tumayo ito. “Basta. Aasahan kita, ah. And please, isama mo si Sir Fhergus.”

Alanganin siyang ngumiti at napatango na lang. Tumili ito sa galak bago nagpaalam.

“Si Sir Fhergus lang naman talaga ang gusto nitong pumunta, dinamay pa ako.” Pasasabihan na lang niya kay Beatrix si Sir Fhergus. Hindi niya nga kayang lapitan ang lalaking ‘yon. Puwet kasi nito ang pumapasok sa isip niya kapag nakikita niya ito.

*

LUNA WATCHED THE hunters practice their supernatural abilities. Muli na naman siyang nakakaramdam ng inggit. She really wanted to be like her fellow hunters. Their supernatural powers were incredibly amazing. Katulad na lang ng kay Melissa na kayang lumutang sa hangin, and Denise had ability to generate storms. Si Andy ay kayang maging invisible. Tatlo lang iyan sa sampung babaeng miyembro ng Koakh. Koakh had hundreds of hunters, at hindi niya matiyak ang eksaktong bilang. Ang iba ay nasa ibang bansa nagsasanay. Hindi lang dito sa Pilipinas mayroon Koakh, katulad ng hindi lang din sa Pilipinas mayroong taong-lobo.
Kakaunti lang silang babae. Kailangan mong patunayan ang kakahayanan mo para mapabilang ka sa Koakhs. Siya, dose anyos pa lang ay sinasanay na siya kaya kaya niyang makipagsabayan sa mga hunters lalo na kung hindi ang mga ito gagamit ng supernatural ability. Her weapons, agility and strength, were enough to be a hunter. Tingin niya ay kaya na niya kung sakali man na makakasagupa nila ang mga halimaw.

Her hands raised quickly when she heard a wheezing sound approaching from the left side. She caught a knife with her hand and glanced at the direction where it came from. Her eyebrows furrowed when she saw Zanaya clapping her hands as she walked towards her.

She stood up, surprised from her presence.

“Nice one, Luna! You have no supernatural ability but your own capabilities will make you the best hunter.”

She stopped in front of her, putting her hands on her waist and posing like a supermodel. She was very stunning in her black, tight leather bodysuit and boots.

“What are you doing here?”

“I am a hunter. Sa Portugal nga lang ako nagsanay.”

“Wow! So you already discovered your power? What is it?”

“Ability to perceive another’s thoughts. And I tell you, babe, you are one of the best hunters—even without supernatural ability.” And she read her mind. Goodness! Sana lang hindi nito mabasa kapag may hindi siya kanais-nais na iniisip.

“Like what?” she asked with a teasing grin on her beautiful face. Inikutan niya ito ng mata.

“Stop that, Zanaya! It’s inappropriate. I will ask Maddalena if there’s way to block your power on me.”

Malakas itong humalakhak. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at tinitigan siya. “I can’t believe this. Your witch aunt hides your beauty. You are very beautiful. Men will drool over you if you only expose your real beauty.”

“I don’t need them to drool over me. I am happy as ugly Luna. Peaceful ang buhay. Anyway, paano mong na-discover ang pagiging Paganus mo?”

“I accidentally saw my parents’ book that contained spells and guidelines for meditation. I tried it and my power suddenly came out. Bawal pala. One of elder officials found out what I did. Para hindi ako mapatawan ng mabigat na parusa, nakiusap ang magulang ko na i-train na lang ako para maging hunter. Sa Portugal ako ipinadala. And I enjoyed it. A lot.”

Tumango si Luna. Kaya pala bigla na lang itong umalis. Iba lang ang sinabing dahilan sa kanila ni Beatrix.

“At ikaw…grabe! Hunter ka pala. Grabe ka rin sa sekreto.”

“Hunter nga, wala naman kapangyarihan. Hindi ko nga alam kung bakit ako tinanggap sa pagiging hunter kahit wala akong supernatural power.”

“Because they believe that it will come out at the right time. Anak ka ng dalawang pinakamakapangyarihang witches, kaya imposibleng wala kang kapangyarihan. What about your sister, Aurora? Did she discover her ability already?”

Umiling si Luna. “Walang alam si ate sa pagiging witch namin. Ayaw rin naman ni mom and dad na ma-discover pa iyon ni ate. Bawal nga ‘di ba? If she practices witchcraft, kailangan niyang maging hunter. Paganus practice witchcraft for purpose—paghahanda para sa pagdating ng mga taong-lobo na hindi rin natin alam kung totoo nga.”

“They are real, Luna. They exist, at alam kong nandito lang sila. Naghahanda.” Inilapit ni Zanaya ang mukha sa kanya. “The elders are in a panic mode right now. I don’t know what’s happening, but they gave an order to send some hunters here. That’s why I’m here.”

“Really?” She couldn’t keep the surprise in her voice.

“Yeah. So be ready. The war between witches and Lycan is coming.”

A strange quivering feeling began to develop within her. She couldn’t deny the fear she felt at the thought of the result when the war happens. Paano kung matalo sila? Sa totoo lang, hindi niya naisip na darating nga ang araw na ito. Noon, naisip niya na parang naghahanda lang sila sa wala. Kasi kahit anino ng sinasabing Lycan ay wala pa siyang nakikita hanggang sa nito nga lang na bigla na lang niya nakita ang isang halimaw sa kanyang balintataw. Pero hindi na naman iyon naulit pa.

*

LUNA studied the artifact in a glass box. It was a five-hundred-year-old kampilan and the description said it was owned by a Raja. Naglakad si Luna patungo sa kabilang salaming kahon kung saan mayroon isang lumang leather-bound book. Origem. Iyon ang titulo ng libro ng libro na halos mabura na ang bawat gintong letra. Ano naman kaya ang nilalalaman ng libro na ito? Walang masyadong detalyeng nakasulat tungkol sa artifact. Maybe it was just nothing. They just found it and decided to put in the museum because it was vintage.

“You ditched my class, Luna.” Nanigas si Luna sa kinatatayuan nang marinig ang baritonong boses.

“You didn’t recite properly. You escaped, and now you’re ditching my class. Pwede kitang ibagsak, Luna.”

Napapikit si Luna. Shit! Hindi siya maaaring bumagsak. Malalagot siya sa kanyang ama kapag nagkataon. Ang kanyang ama pa rin ang nagpapaaral sa kanya at sa oras daw na malaman nitong bumagsak siya kahit isang subject ay titigil siya sa pag-aaral.

Pumasok siya sa unang klase pero hindi na sa klase ni Fhergus at nag-ikot-ikot na lang sa museum. Hindi niya alam kung paano siyang babawi nito.

“Luna?”

She turned to the person who called her. “Cebal?”

Nakangiti itong lumapit sa kanya at inakbayan siya.

“Sinundo talaga kita para mag-lunch. Tara?” Kaya pala nag-text ito at nagtanong kung nasaan siya. “Tapos na naman klase mo ‘di ba?” Lumipat ang tingin ni Cebal kay Fhergus. Nanunuring titig ang itinapon nito sa propesor.

“Oo. Tara.” Hinila na niya palayo ang kaibigan. Hindi siya kumportable sa pagkakatitig ni Cebal sa lalaki.

“Sino ‘yon?”

“‘Di ko knows. Nakasabay ko lang tumingin sa display.” Ikinawit niya ang braso sa baywang nito.

“Tingin ka nga sa ‘kin.” Ginawa naman niya. Ngumiti pa siya. Inilabas niya ang buong ngipin at gilagid.

“Panget mo talaga!”

“Love mo pa rin naman ako ‘di ba?” Nakangiti siya habang nakatingala rito.

“Siyempre!” He kissed her on the forehead and gave her a one-arm hug. Nang malapit na sila sa exit ay pasimple siyang luminga sa direksiyon ni Fhergus. Gusto niyang pagsisihan na ginawa pa niya iyon nang makitang nakatingin sa kanila si Fhergus. Napansin niya ang talim sa mga mata nito habang nakakuyom ang mga kamay. Napikon na talaga yata niya.

*

SA wakas ay nagawa ni Luna na pumasok sa klase ni Fhergus pero nanibago siya at nabahala na rin. Habang nagdi-discuss ito ay sinisingitan ng mga tanong pero kahit na isa ay hindi siya nito tinawag at ni hindi man lang sumulyap sa kanya hanggang sa matapos ang klase.

“Sir, totoo po bang may binagsak ka?” tanong ng isa sa kaklase nila. Natigil si Fhergus sa pagligpit ng gamit nitong nasa desk at luminga sa klase.

“If you walk out and ditch my class without any explanation, then suffer the consequences,” he said before finishing what he was doing. Once his things were inside the bag, he grabbed it and left.

“Ako ‘yon! It can’t be. Malalagot ako kay dad.” Tucking her things inside her bag, she slung it over her shoulder before running to the door.
“Sir!” tawag niya kay Fhergus pero hindi ito tumigil o sulyapan man lang siya. Mabilis itong naglakad sa corridor. She followed him. “Sir, ako po ba ang bagsak? Please, let me explain po.” Hindi ito tumigil. Mukhang walang balak na pakinggan ang paliwanag niya.

“Sir, may valid reason naman po ako. Pasensya na talaga.” Takbo-lakad ang ginawa niya para habulin ito. Kapag may mga estudyante na madaananan ay binabagalan niya ang paglalakad at kapag lumagpas na ay muli na naman siyang hahabol.

Nasa dulo na sila ng corridor at ang susunod na building na nadadaan nila ay mas marami ng estudyante at agaw atensyon na naman sila nito, kaya napilitan na si Luna na pigilan ang lalaki. Hinawakan niya ang braso ni Fhergus kaya natigil ito sa paglalakad.

“Please, Sir. Hear me out!” She slid her hand down his slightly hairy arm until she reached his hand. She gripped it tightly. “Kailangan ko lang po talagang umiwas pansamantala kasi tuwing nakikita kita…” Ano ba ang dapat niyang sabihin? Dapat ba niyang sabihin na nakita niya itong nakikipag-sex? At kapag naaalala niya ito nag-iiba ang reaksyon ng katawan niya?

Dahan-dahan itong pumihit. Niyuko nito ang kamay na hawak niya. Agad niya iyong binitawan. Tumitig ito sa kanyang mukha.

“Tuwing nakikita mo ako ano?”

Nagyuko si Luna. Umiling. Hindi niya kayang sabihin. Ang manyak niya kapag ganoon. Hindi niya matanggap. Napasinghap si Luna nang biglang hablutin ni Fhergus ang braso niya at hinila siya papasok sa isang madilim na silid. Storage room ito. Nang maisara ni Fhergus ang pinto ay isinandal siya nito sa likod ng nakapinid na pinto. Naramdaman niya ang braso nitong itinukod sa gilid ng kanyang ulo.

Nahigit ni Luna ang sariling paghinga nang maramdaman niyang malapit na malapit ang mukha nito sa kanya. Rinig na rinig niya ang mabigat nitong paghinga.

“Now, Luna, tell me. Why are you avoiding me?” Sa kanya lang ba o talagang nag-iba ang boses nito? Mas lumalim at mas lalong naging sexy.

“S-Sir.”

“Answer me!” he demanded.

“Kasi…kasi po…” Nadi-distract siya ng mabangong amoy nito. Ang hininga nito ang bango-bango. Parang ang sarap halikan tuloy.

“Because you saw me having sex?”

Umawang ang labi ni Luna. “Y-You knew?”

“I knew you were there. Bakit ka iiwas? Ako ang dapat mahiya, ‘di ba?”

Ipinikit ni Luna ang mata. Hindi lang siya nahihiya. May kakaiba nga kasi siyang nararamdaman na hindi man lang niya naramdaman buong buhay niya.

“Tell me, Luna!” His voice was raspy and deep and it gave her chills.

Nagmulat siya ng mata. “Kapag nakikita ko kasi ang mukha mo puwet mo ang naaalala ko.”

Ipinatong ni Fhergus ang noo sa braso nito na nasa gilid ng kanyang ulo kaya mas lalong naglapit ang kanilang katawan. Bigla na lang nanginig ang katawan nito hanggang sa umalpas ang pigil na tawa sa bibig nito.

“Alam ko nakakatawa pero ‘yon ang totoo. Nakita ko kasi ang puwet mo.” Bahagyang ipinaling ni Fhergus ang mukha sa kanya. Pinanayuan siya ng balahibo sa buong katawan nang tumama ang mainit nitong hininga sa kanyang tainga. Nakakakiliti at nagbigay na naman iyon ng kakaibang init sa kanyang katawan.

Si Fhergus ay tumigil sa pagtawa. Malalalim na paghinga na naman nito ang naririnig niya. Parang kahit ang mood nito ay nararamdaman niya.

“It’s your fault, Luna. I fucked that woman because of you.” Ipinaling niya ang mukha paharap rito na ikinabigla niya rin. Hindi niya nakikita ang mukha nito pero alam niya kung gaano kalapit ang kanilang mga mukha dahil nagdikit ang kanilang mga ilong.

Gusto niyang tanungin kung bakit kasalanan niya, pero hindi na niya na gawa.

“Fuck!” Napayakap siya nang mahigpit sa leeg ni Fhergus nang bigla na lang nitong ipinaikot ang braso sa kanyang baywang at buhatin siya. Walang ingay itong naglakad kung saan na para bang nakikita ang daan. Naramdaman niya na lang ang paglapat ng kanyang likod sa matigas na dingding.

Bumukas bigla ang pinto. Natigil siya sa paghinga sa pangambang baka kahit paghinga niya ay maririnig ng taong pumasok. Ang tibok ng puso niya ay halos marinig na niya sa kaba nang bumukas ang ilaw at kumalat ang liwanag sa buong silid. Noon niya nadiskubre na nasa likod sila ng isang divider.

Dahil sa pagbukas ng ilaw ay nagkaroon siya nang pagkakataon na mapagmasdan ang mukha ni Fhergus. Nakatitig din ito sa kanya habang buhat pa rin siya. Para lang siyang papel dito. Parang hindi man lang nahihirapan. Walang bakas sa mukha nito na nabibigatan ito sa pagbuhat sa kanya. Ang naroon ay frustration.

Bumaba ang tingin ni Luna sa labi ng lalaki. Napakaganda ng mga labi nito. Kung ito ang magiging first kiss niya ay ayos na ayos sa kanya. She wanted him to be her first kiss. Kung nakawan niya kaya ng halik, hindi naman siguro siya sasapakin nito.

Bumaon ang mga kuko ni Luna sa balikat ni Fhergus at ginawa nga ang nais. Hinalikan niya ito sa labi at sakto naman ang muling pagsara ng ilaw at paglabas ng taong pumasok. Ilang segundo ring nakalapat ang kanyang labi bago iyon hinila palayo. Hindi bukal sa loob niya ang pagtapos sa halik. Parang gusto niyang panatilihing matagal ang pagkakalapat ng kanilang labi.
“Sorry. Gusto ko lang malaman kung ano ang pakiramdam nang mahalikan. Pasensiya na.”
Kumalabog ang laptop na hawak ni Fhergus nang mabitawan nito iyon. Naramdaman ni Luna ang pagtaas ng kamay nito at pumaloob sa makapal niyang buhok. Mariing hinawakan ang kanyang batok at bago pa man niya mapagtanto ang gagawin nito ay nanglaki na ang kanyang mata nang sakupin ng bibig nito ang kanyang bibig.

His lips moved gently, slightly brushing his tongue across her bottom lip, coaxing it to open. When the realization finally dawned on her, she drew a deep, staggered breath. Waves of heat flushed through her. He was kissing her. For real. He was really kissing her. Ipinikit ni Luna ang mata at unti-unti ay gumalaw ang kanyang labi. Para bang iyon lang ang inaantay ni Fhergus para mas palalimin ang halik. With an intense urgency, he dipped his tongue past her lips and she willingly welcomed it. Mas lalo siyang napayakap kay Fhergus dahil sa kakaibang init na gumagapang pababa sa kanyang puson at nang umabot iyon sa pagitan ng kanyang hita ay napasipsip siya sa dila ni Fhergus.

Umungol si Fhergus sa bibig niya bilang tugon sa ginawa ni Luna. Bumaon ang mga kuko nito sa kanyang baywang at batok. Ang mga hita ay pumagitna sa kanyang hita. Idiniin naman niya ang pagkababae sa mga hita nito. She suddenly lost control. She slightly moved her hips to rub her quivering sex against his strong leg. Parang iyon ang kailangan niya, iyon ang hinihingi ng kanyang katawan.

Matagal na sandaling naghinang kanilang labi. Halos mapugto ang kanyang paghinga. Halos madurog ang maliit niyang katawan dahil sa maygigil na pagpisil ni Fhergus sa kanyang katawan. Labag man sa loob ay tinapos nila ang maalab na halikan.
“How’s your first kiss?” he managed to ask through his heavy breathing.

“‘Great’ is not enough to describe my first kiss. And thank you for that.” She meant it and she didn’t regret it. She was actually thankful.

“I’m flattered.”

“Sir, ipapasama mo na po ako? Valid naman ang reason ko ‘di ba?”

“Sir? Po? I hate hearing that!” He huffed.

“Sorry.” She bit her lower lip.

“Gusto mong ipasa kita?”

“Oo, Siyempre. Lagot ako kay dad kapag bumagsak ako.”

“Then meet me later after your class. I’ll wait for you in the office.

Lua Azul Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon