Kabanata 10 - Unang Paligsahan ng Discupulo

110 7 0
                                    

Pumayag si Arnulfo at pinatakbo siya sa buong lupain nila ng tatlong pung beses, paikot. Habang natatanaw naman niya ang kanilang discupulo na nag eensayo ng kanilang sining ng pagtatanggol. Kadalasan ay iniiwan sakanya ng ama ang gawain na nangunguna sa kanilang pagsasanay, ngayon ay nakabantay sakanila si Arnulfo. Napupuna rin kaagad nito ang maliit na pagkakamali ng bawat isa. Tila domoble ang pagiging istrikto nito.

Pagtapos ng ika-tatlong pu niyang balikan, hinihingal na tinukod niya ang mga kamay sa tuhod. Tagaktak ang kanyang pawis dulot ng matinding init at pagod. Hinawi niya ang mahabang buhok papunta sa kanyang likod. Na sa ganoong posisyon siya nang lapitan siya ni Atay.

"Ginoong Alab, pangunahan mo na raw po ang pagsanay ang sabi ni ginoong Arnulfo." inabutan siya nito ng maliit na pamunas. Tinanggap niya iyon at tumayo ng diretso. Nakita niya rin na naglalakad na palayo si Arnulfo.
Nakahinga siya ng maluwag at pinunasan ang tumutulong pawis.

"May sinabi ba si ama na talaan kung bakit maaga ang pagsasanay ngayon?" halos paos na tanong niya, bahagyang naka awang ang labi upang humugot ng hangin.

Tumango ang binata, "Mayroon po. Ang sabi ni ginoong Arnulfo magkakaroon ho ng unang paligsahan sa taon ng mga discupulo sa Isla Kinaadman. Kasali ho lahat ng makapangyarihang sekta pati ang mga hindi gaanong kilalang sekta na nasa kalusunan. Malaking paligsahan ito kaya istrikto si ginoong Arnulfo."

Napaawang lalo ang bibig niya, "Talaga? edi si ginoong Recato ang nag-ayos nito. Kaya siguro umalis kagabi si ama dahil may pagpupulong sila para sa talaan na ito." ngumiti siya sa naisip na makakasama niya muli si Tanashiri sa isang paligsahan.

"Opo. Kasabay po kasi ng pagdating ng unang discupulo ng sekta ng Lagasca. Makakalahok po natin siya." aniya. Ngumisi si Alab at nagsimula maglakad na agad na sinabayan ni Atay.

Tumawa si Alab, "Kung gayon, kailangan natin husayan ang pagsasanay. Wala muna tayong oras ng pahinga. Ihanda mo sila,"

Tumango si Atay. "Masusunod po, ginoong Alab." tumakbo ito pauna sa kanilang discupulo at ipinahanda.

Kung malaking paligsahan ito, hindi mawawala ang pagmamalakihan ng bawat sekta. Kaya kailangan nilang maging handa.

Nang sumapit ang tanghalian, hindi pa rin sila tumitigil sa pagsasanay. Wala namang nagrereklamo o tutol, natigil lamang sila nang sunduin sila ni Amihan upang mag tanghalian.

"Sige, kumain na muna kayo at magpahinga. Pagtapos ay bumalik kayo dito," aniya.

Sabay sabay tumango sina Atay, "Opo, ginoong Alab." tugon ng mga ito. Ngumiti siya. "Sige na. Mauna na kayo."

"Salamat po, ginoo!" at nagkanya kanya na ang mga ito paalis. Siya naman ay naiwan pa dahil nililigpit niya ang mga ginamit nila sa pagsanay kanina.

Nilapitan siya ni Amihan at inabutan ng baso ng tubig, "Bakit hindi ka muna kumain rin, Alab?" tanong ng dalaga. Ngumiti ng maliit si Alab at inabot ang tubig.

"Salamat ate Amihan," aniya. Inisang lagok niya ito.

"Ang sabi ko, bakit hindi ka muna kumain?" pag-ulit ng dalaga.

Tumawa siya at nilapag ang baso sa isang lamesa, "Maghahanda pa ako, ate. Maya maya nalang." pinulot niya ang kampilan at isang pamunas. Marahan niyang pinalandas ang basahan sa matalim nitong espada.

Ngumuso ang dalaga at pinanood ang ginagawa niya. "Mga hanggang anong oras ba ang inyong pagsasanay ngayon?"

"Marahil hanggang ika-sampu ng gabi o higit pa siguro." mabilis na pagtugon niya habang pinagpatuloy ang paglilinis.

"Dapat lamang ika'y kumain na. Halika, kumain ka muna." mayuming hinawakan siya ni Amihan sa kanyang pulso. Nginitian niya ang dalaga upang mapanatag ito,

The Devil's DesideriumWhere stories live. Discover now