Kabanata 20 - Mga pagbabalik tanaw

123 4 3
                                    

Nakangiti na siya habang magkatabi sila ni Tanashiri na nakaupo sa gilid ng ilog. Parehas nakalubog ang mga paa nila sa tubig. Walang nagsasalita pa sa kanilang dalawa at ninanamnam ang sandaling iyon. Ang simoy ng hangin na tumatama sakanilang balat ay maaliwalas. Gumanda ang pakiramdam niya ngayong katabi na niya ang binata.

Tumikhim si Tanashiri. "Bakit hindi mo ako pinuntahan sa aming sekta?" tanong nito, nakakunot ang noo.

Pinaglalaruan naman niya ang sariling paa sa ilalim ng tubig. Pumapadyak siya roon.

"Naisipan ko munang maupo rito.. May iniisip kasi ako."

"Ano nanaman bumabagabag sa iyo?"

Alab, "Mmm. Marami. At maari mong bawasan ang iilan roon."

Nilingon siya ng binata na magkasalubong ang mga kilay. Naka usad ito ng kaonti dahil nakatukod ang mga kamay sa pinakadulo ng inuupuan nilang lupa, dahon dahon.

"May nagawa ba ako?" natawa naman siya at umiling. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Iilan kasi sa iniisip ko ay tungkol sa iyo."

"Ano?" direktang tanong nito. "Lilinawin ko." dugtong pa niya. Binasa niya ang labi at inisip naman ang unang itatanong. "Hindi ka ba abala sa sekta ninyo?" iyon muna ang naitanong niya.

Iniling nito ang ulo at hindi inaalis ang tingin sa kanya, "Kakatapos ko lamang tulungan si ama bago pumunta rito. Nakita kita naglakad palagpas ng aming sekta."

Tumango tango siya at ginala ang paningin. "Ako naman ay galing kayla Macale."

"Nagkausap na kayo?"

"Hindi, eh." tumawa siya ng mahina. Si Katha ang kanyang nakausap. Si Katha na may nararamdaman para kay Tanashiri.

"Bakit hindi kayo nag usap? Iyon ba ang iniisip mo?"

"Hindi iyon. Tungkol nga sa iyo ang iniisip ko, hindi ba?" lumingon siya sa binata. Si Tanashiri naman ay seryoso ang pagkakatingin sa kanya. Tila ito pa ang namomoblema sa iniisip niya.

"Kung sinasabi mo na, Alab malaking tulong. Ginagawa mo pang pala isipan." natawa naman siya sa isip niya nang bumusangot ito. "Mmm, sige.. yung una ano.." nag iwas siya ng tingin at tinignan ang mga paa'ng pumapadyak sa tubig.

"Naalala mo ba yung nangyari sa bundok Mahika at dito sa ilog niyo?"

Naramdaman niyang tumango ng marahan si Tanashiri, "Oo." wari napagtatanto na nito ang tutunguhan ng usapan nila sa kasulukuyan.

Alab, "Sa bundok Mahika, nang gabing iyon.. nakita mo ang aking mga mata, hindi ba?" ngayon naman ay tinignan niya ang magiging pagtauli ng binata. Gaya ng kanina ay seryoso pa rin, nguni't nababasa niya sa mga mata nito ang mga katananungan at kaguluhan.

"Sa katunayan Alab, nakita ko na ang ganoong mata mo bago pa sa bundok Mahika."

Namilog ang kanyang mata, "T-talaga?! Hindi mo sinasabi saakin? Kailan?"

Tanashiri, "Nang araw na iyon hindi ba may maliit na paligsahan tayo sa sekta ng Dailisan. Tutulungan sana kita nang madatnan kong nahihirapan ka sa isang lobo, kaso bigla nalamang nag alab ang  iyong mata.. nakakabigla."

Bumalik lahat sa isip niya ang alala tungkol roon sa sinasabi ni Tanashiri. Ngayon lang niya napagtatanto kaya ganoon makatingin sa kanya si Tanashiri. At parang naalala niyang inakusahan niyang nakita siya ni Tanashiri dahil nga sa pagkakatingin nito.

"Ah! Ngayon alam ko na! Bakit ngayon mo lang sinabi, Tanashiri?"

"Hindi mo naman tinatanong." agad na tugon ng binata. Napakamot siya ng likod ng batok at binasa ang namamalat na labi. Sa sandaling iyon, ang tunog ng pag agos ng tubig ang kanyang naririnig. Wala ring dumadaang mga tao malapit sa kanilang puwesto, ang lahat ay abala sa mga pamimili at pagtitinda. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 08, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Devil's DesideriumWhere stories live. Discover now