4

329 12 0
                                    

She closed her heart and build walls na walang makakatibag kundi ikaw lang daw...

•••
••

Sometimes second chances are not given to make things right but are given to prove that we could be better even after we fall. And I am here to prove it.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko o kung tama o mali, kung may patutunguhan ba o wala basta ang alam ko lang ay ginagawa ko yung dapat—dapat na noon ko pa ginawa.

We're both clamped in that phase of our story, pareho na ayaw umusad ang pagkakaiba lang, sa aming dalawa siya man yung nang iwan pero siya din yung hindi bumali sa mga pangako namin noon samantalang ako—ako na naiwan, natukso ako, masyado akong nabulag nang galit at sakit na naramdaman ko noong mga panahon na iyon.

Walang pagdadalawang isip at lakas loob akong nagtungo sa bahay niya.

I pressed her doorbell once and patiently wait, five minutes had past yet no one open the door. I tried my second luck and pressed it once again—still none. I decided to walk away, siguro babalik na lang ako bukas baka kasi wala pa siya sa bahay. And when I was about to step, I heard the door swung open.

"What are you doing here?" walang emosyon ang makikita sa kaniyang sistema pero imbis na sumagot ay tumitig lang ako sa kaniya para bang umurong at nawala ang dila ko.

"Elio pwede ba kung wala kang sasabihin,umalis ka na lang." akmang isasara na niya ang gate pero hinarang ko na agad.

"Wait, please Fay. We need to talk." malumanay kong pakikiusap.

"Wala na tayong dapat pag-usapan Elio—" I saw how her eyes are being eaten up with pain.

"Meron. Tayo, kailangan nating malinawan pareho Fay, kailangan nating mag-usap yung walang tinatago—"

"Matagal nang walang tayo, matagal na tayong tapos. Hindi pa rin ba malinaw saiyo yon ha, Elio? O baka naman gusto mo pa rin na isisi sa akin lahat, ganon ba—ganon ba yung gusto mong gawin?! Sige gawin mo—"

"I'm s-sorry." pinutol ko kung ano man yung sinasabi niya.

"Para saan? sorry dahil ano? Kung nag sosorry ka dahill naaawa ka sa akin, huwag—hindi ko kailangan ng awa mo. Huwag mong hingiin sa akin yung bagay na hanggang ngayon ay di ko maibigay sa sarili ko." Nakita ko siyang bumuntong hininga, akala ko ay tapos na siya sa gusto niyang sabihin. "Elio, please. S-sana i-ito na yung huling beses na magkukrus ang landas natin, maging masaya ka na sa pamilya mo, huwag mo na kong isipin huwag mo na akong alalahanin! Kung kinakailangan din na huwag na tayong maging magkaibigan—" bahagya akong naguluhan sa sinabi niya, anong pamilya??

"Pamilya?? Fay, teka nga saan ka ba nanggagaling? hindi ko maintindihan?? Wala akong—"

"Don't you dare lie, don't you dare." matalim ang tingin niya sa akin ng bitawan niya ang mga salitang iyon. "Elio, kahit ngayon lang—maging totoo ka naman, maging honest ka naman." lumambot ang expresyon niya, wari ay dahil na din sa pagod at sakit na naguumapaw. Hindi ako makaimik, nasasaktan ako na nakikita kong ganito kamiserable si Fay. "Nung gabi na magkasama tayo, sinabi ko sayo na mahal kita—oo, putangina mahal kita, mahal na mahal. Nabuhayan ako nung gabing iyon akala ko sa muling pagtatagpo ng landas natin...akala ko ako pa rin, akala ko may babalik at babalikan pa ako pero Elio—pinangako ko rin sa sarili ko na kung dumating man yung araw na magkatagpo tayo pero—pero meron ng iba at h-hindi na a-ako...tatanggapin ko." Kasabay ng malamig na hangin ay ang paglandas ng luha sa kaniyang mga mata, gustuhin ko man siyang yakapin pero hindi ko magawa, pakiramdam ko ay kaunting hawak ko lang sakaniya ay madudurog siya. "I saw Rosa called you through your phone, sinagot mo iyon ng walang pagaalinlangan—as if hangin lang ako that night. I run—palayo sayo, palayo sa sakit pero napadpad nanaman ako sa nakaraan—kung saan nagsimula lahat. I found myself at pangasinan that dawn time, s-sabi ko para isang sakitan na lang, iiwan ko na lahat sa kung saan ito nagsimula—kailangan kong magsimula ng panibago nang mag-isa."

YES SIR, NO MISS.Where stories live. Discover now