8

251 14 1
                                    

BACKSTORY

"...She delivered a healthy baby girl."

{flashbacks ahead}
Oceana was sleeping due to too much exhaustion from labor up to giving birth. She is still regaining strength, together with her inside the room was Iris and Santy. Elio on the other hand was the one looking out at the nursery room where their baby was.

SANTY's

I am so happy for Oceana. Hindi man naging panig sakaniya ang mundo sa nagdaang taon, sigurado ako sakaniya na nakalaan ang ngayon.

"Grabe sobrang cute talaga ng baby nila! Grabe ang ganda ganda!!"

"gurl saan ka pa? ganon na nga kagwapo tatay tas yung nanay pakak din ang fez! Perfection ang anak nila!"

We are in the middle of admiring how beautiful our inaanak is...

"I-iris..." We heard Oceana called kaya agad din kaming lumapit, alam niyo na baka hahanapin niya kung nasaan na si baby girl.

"Girl, ay wait wait teka wag ka na muna tumayo diyan, need mo magpalakas para—"

"Please, huwag niyong sabihin kay Elio na nasa ospital ako. Ayoko nang maging hadlang sa mga pangarap niya..." naguluhan kami ni Iris sa sinasabi niya.

"Okay, naman na ako. Kaya ko na, gusto ko nang umalis dito, gusto ko nang lumayo. Gusto kong lumayo para malimutan ko na yung sunod sunod na sakit na nararamdaman ko...yung pagkamatay nila Mommy...K-kaya please lang, huwag niyo nang sabihin ito kay Elio." Gulong gulo kami ni Iris. Bakit iyon pa rin ang naaalala niya? halos pitong buwan na ang nakalipas nung nangyari yung aksidente na iyon.

"A-ah o-oo, hindi namin sinabi kay E-elio." nauutal na aniya ni Iris. "Lalabas lang muna ako para tumawag ng doctor." pagpapaalam ko naman.

Nakita ko si Elio sa may pintuan, may bakas ng mapait na ngiti. I walked near him. Narinig niya kaya yung mga sinasabi ni Oceana kanina?

"Akala ko tapos na, akala ko nasimulan na naming umpisahan yung pangarap namin na pamilya pero—pero putanginang tadhana na yan! Hindi na ata talaga papabor sa aming dalawa!" Ngayon ko lang nakita si Elio na ganito, wasak—puno ng sakit ang pinapahiwatig sa mga mata.

"Elio, walang may gusto sa mga nangyayari ngayon. Nagulat na lang din kami kanina ni Iris nung nagising siya a-at imbis na ang itanong sa amin ay kung nasaan ang anak niyo a-ang naging bungad niya sa amin ay ang kagustuhan niya na umalis...iwan ka, dahil ang naaalala niya lamang ay yung araw na nadamay siya sa car accident."

We let the doctor checked on her. Wala talaga siyang ibang maalala bukod sa naaksidente siya kaya siya nakakaramdam ng sakit at pagod sa buong katawan niya. Wala siyang maalala mula doon sa oras na nagising siya mula sa aksidente hanggang sa oras na nanganak na siya—It was all deleted in her memory.

The doctor explained that it was selective amnesia [again hindi po ako expert when it comes to things like this, pakicorrect na lang po ako.] Maybe the trauma from that accident caused her para malimutan ang ilang bagay—pinakaimportanteng bagay.

The doctor advised us not to force her na makaalala.

ELIO's

Masakit, sobra. Nasasaktan ako para sa anak ko. Halos kalalabas niya pa lamang sa mundo pero heto—heto na agad, hindi siya maalala ng nanay niya na nagexist sa mundo...Naaalala niya ako pero yung memorya niya ay nandoon sa parte kung saan desidido siya na iwan ako para matupad at maabot ko ang mga pangarap ko. Ang sakit, hindi ko na alam.

YES SIR, NO MISS.Where stories live. Discover now