TUSOACP | Seventeen

20 2 0
                                    

"Loosing someone you truly love is like loosing yourself too. Painful and heartbreaking."

|

Veronica Romero


"Water?" Natatawang alok sa akin ni Shaun ng tubig. Kasi naman napagod ako sa pag-lalaro namin kanina. Pabida sya masyado kanina. Halos hindi na nya tinirhan ng activity ang ibang representative na kasama namin. Lahat ng bata sa amin nya pinasasama at pinapalaro. Napagod tuloy ako but all in all, masaya rin naman dahil sa mga bata kung di lang talaga epal 'tong si Shaun na nag-yakag pa ng bahay bahayan.

"Thanks." Sabi ko lang sa kanya at hindi ko na tinanggihan ang alok nyang tubig.

"Napagod ka ba?" Tanong nya sa akin at naramdaman ko na lang na pinupunasan na nya ako ng pawis gamit ang panyo.

"Wait! Saan galing 'yan? Baka pinunas mo 'yan sayo huh?!"

"Ito? Hindi noh! Panyo lang 'to ni Axe." Sabi nya sa akin habang pinupunasan nya parin ang pawis ko.

"Sino naman si Axe?"

"Don't be jealous. Yung big bike ko lang 'yon."

"What the hell!" Sigaw ko sa kanya. Pamunas to ng motor nya?

"Woah!!! Chill panyo ko 'to!" Tumatawang sabi nya. Pinag-titripan nya talaga ako kanina pa.

"Mama Ganda bakit nyo po sinisigawan si Papa Gwaping?" Bigla namang napapunta ang atensyon ko sa batang nasa harap namin. Sa tingin ko ay nasa limang taon pa lang sya. At mukhang hindi pa sya nakaka-move on sa bahay bahayan namin.

Mama Ganda.

Papa Gwaping.

Ewwwwww! Isip bata nya talaga. Di ko akalain na sa astig ng itsura nya korni pala sya.

"Hindi nya ako sinisigawan anak. Nilalambing lang ako ni Mama Ganda." Sabi naman ni Shaun at kinalong pa 'yong batang babae.

"Ganon po ba? Nilalambing nyo po ba talaga si Papa Gwaping?" Tanong naman sa akin ng bata kaya hindi ko alam ang gagawin ko. Tumawa na lang ako sa kanya kahit pilit saka ako tumango.

"Ang mapag-mahal mo naman po palang asawa Mama Ganda. Pwede mo po ba i-kiss si Papa Gwaping sa pisngi? Kasi po ganon po ang ginagawa ni Sister Joyce sa amin kapag nilalambing nya po kami."

"H-Huh? Naku paano 'yon? Hindi naman kami tunay na mag-asawa ni Papa Gwapin-"

"Sige na Mama Ganda pagbigyan mo na ang anak natin." Sabi naman ni Shaun habang taas baba pa ang kilay sa akin. Pinanlakihan ko naman sya mata pero mukhang hindi nya ako papakinggan.

"Shaun?!"

"Mama Ganda, si Papa Gwaping po ito hindi po ito si Shaun. Papa Gwaping po. Papa Gwaping." Nakangiting sabi sa akin ng bata. Sa tingin ko ay parang iniisip nya talaga na kami ang mga Papa at Mama nya.

Naisip ko tuloy, paano kaya nagagawang iwan ang batang katulad nya?

"Mama Ganda?" Tawag nya sa akin kaya napakurap ako sa kanya saka ako napabuntong hininga na lang. Parang maiiyak na sya.

"Ayaw yata ni Mama Ganda, anak. Siguro sa susunod na lan-" Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Shaun at mabilis ko na lang syang hinalikan sa pisngi. Wala naman 'yong malisya. At isa pa, hindi ko kayang tiisin ang bata.

"Veronic-"

"Yeyyyy!!! Kayo na talaga ang Mama at Papa ko!" Sabi nong bata at niyakap nya pa ako.

The moment I feel her embrace parang may kung ano akong naramdaman sa dibdib ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at parang kusa nang gumalaw 'yon para yakapin ang bata na nayakap din sa akin.

Last Kiss On New year [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon