TUSOACP | Thirty-Five

20 1 0
                                    

"I'd pick your thunder, I'd pick your rain, over anyone's sunshine any day."

|

Veronica Romero

"I already warned you. Touch her again and I'll summon my bullet straight to your f*cking brainless head."

I almost lost my breath on how he say those words with full of authority and madness.

Hindi ko na sya makilala.

"Really? Kaya mo ba talaga?" Mayabang na sabi ng lalaki saka nya ako hinila palapit sa kanya at itinapat sa ulo ko ang hawak nyang baril. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at pinakiramdaman kung anong sunod na mangyayari. Hindi ko alam pero hindi ako makaramdam ng takot sa baril na nakatutok sa akin. Siguro ay ganon na lang ako kapagod na mabuhay sa ganitong paraan.

Paulit-ulit, nakakasawa at nakakapagod.

"Don't test my patient. You know me when I reach my limits." I heard Hunter said.

"You're right. I know you but can't you see me? I never shake on you. Kahit kaylan Zero hindi ako natakot sayo. Because you know why? I'm the one who's gonna kill you. Right here, right now, tonight in front of this beautiful doll beside me." Sabi nito saka nya mas hinigpitan ang pagkakahawak sa akin kaya mariin akong napapikit.

"Hindi mo ba talaga sya papakawalan?" Matigas na sabi ni Hunter pero umalingawngaw lang ang malakas na tawa ng lalaking may hawak sa akin kaya napamulat ako at mabilis na dumeretso ang mga mata ko kay Hunter. Nakatutok parin ang baril nya at kita ko ang galit sa mukha nya.

"Bakit? May dahilan ba para pakawalan ko 'to? Sa palagay ko ay wala naman kaya mabuti pa ay tapusin na natin ito ngayon. Deal huh Zero? Or should I say Hunter Limonov?" Sabi nito pero sa halip na makitaan ko ng takot si Hunter ay nakuha pa nyang ngumisi at humakbang papalapit sa amin. Napansin ko naman agad ang ilang lalaki na papalapit sa kanya pero pinaputukan nya agad 'yon. Hindi ko napigilan na mapasigaw dahil doon.

"Deal? Are you sure that you really want this? Alam mo naman siguro na ang pinaka ayaw ko sa lahat ay 'yong mga deal na nauumpisahan lang pero hindi natatapos. Gusto ko kasi kapag sinimulan ko, tatapusin ko." Sabi ni Hunter saka sya naglakad papalapit sa amin habang nakatutok ang baril sa may hawak sa akin. Silang dalawa na lang ngayon ang nakikita kong natitira dito. Hindi ko mapigilan na kabahan para kay Hunter.

"Hindi mo ako maloloko! Wala ka nang bala!" Sigaw ng lalaki saka ito tumawa pero napatigil sya nang biglang ikasa ni Hunter ang baril na hawak nya at sa isang kisap ko lang ay nakita ko na nasa harap na namin sya at nakatutok na ang baril nya sa noo mismo ng lalaking may hawak sa akin. Deretso ang tingin nya sa lalaking katabi ko at nanginginig ang mga kamay nya sa galit.

"Huwag kang mainggit dahil ipinagtira kita."

"H-Hunter huwag mong gawin 'to." Buong lakas na sabi ko sa kanya dahil natatakot ako sa pwedeng magawa nya. Wala man akong idea kung paano sya nagkaganito at naging ganito kalala pero bahala na. Sarili nya lang ang ipapahamak nya.

"Mamili ka, sasalubungin mo ang bala ko o papakawalan mo sya?!" Galit na galit na sabi ni Hunter dito. Naramdaman ko naman na nangangatal na ang kamay ng lalaking may hawak sa akin at alam kong natatakot na sya.

"Kaya kong salubungin ang bala mo, hindi ko lang alam kung kaya ding sumalubong ng bala ang babaeng hawak ko ngayon. What do you think huh Zero?"

Last Kiss On New year [COMPLETED]Where stories live. Discover now