02

274 28 15
                                    

Hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Reid ngayon. Naiilang ako, hindi ko alam kung paano makitungo sa kaniya.

“Bakit ka nandito?” tanong niya sa akin at  tumingin pa sa nakasaradong pinto ng office.

Siya nga rin nandito, e. Nasa cafeteria lang naman sila kanina.

“Hinihintay ko si Snop,” simpleng sagot ko naman sa kaniya.

“Ako may pupuntahan lang saglit,” nakangiting sabi naman niya sa akin.

Tumango lang ako sa kaniya. Hindi ko naman kasi alam kung ano bang dapat kong sabihin, e.

“Sige, mauna na ako,” paalam niya na sa akin kaya muli na naman akong tumango.

Nagsimula na siyang maglakad paalis. Nung una ay hindi ko muna siya nilingon dahil baka hindi pa siya nakakalayo.

Ilang minuto pa ang pinalipas ko saka ko siya nilingon. Malayo na siya, kumakaway pa nga sa mga babaeng nakakasalubong niya.

Ang babaero nga naman.

Napapailing na lang ako habang nakatingin sa kaniya. Ang tangkad niya. Medyo mahaba ang buhok niya, natatakpan na nga ang batok niya no’n.

“Magiging akin ka kaya?” napatanong na lang ako sa sarili ko.

Napabuntong-hininga rin ako dahil kahit ako ay hindi ko alam ang sagot sa sarili kong tanong.

Bumukas ang pinto ng office kaya agad akong napatingin doon. Seryosong mukha ni Snop ang bumungad sa akin.

“Anong nangyari?” tanong ko agad sa kaniya.

Napabuntong hininga siya at naglakad na. Sumunod naman ako sa kaniya.

“Kinausap lang ako ni Ma’am,” simpleng sagot niya sa akin.

“Tungkol saan?”

Naglalakad na kami ngayon kaya naman umangkala na ulit ako sa kaniya.

Gawain ko na talaga ’to sa tuwing maglalakad kaming dalawa

“Kay Rix,” sagot niya naman.

“Anong meron?” Bahagya ko pa siyang sinilip mula sa gilid.

“Kailangan ko s’yang saktan,” sabi naman niya sa mahinang paraan.

“Ano?” Gulat na tanong ko. “Bakit? Paanong saktan?” hindi ko mahanap ang dapat kong sabihin.

“I need to tame him and break his heart,” seryosong sabi niya.

“Seryoso? Bakit mo gagawin ’yan?” salubong pa rin ang kilay kong tanong sa kaniya.

“May usapan kami ni Ma’am. Tutulungan n’ya ako sa pag-aaral ko at kay Mama kapalit no’n ay turuan ko ng leksyon ang pamangkin n’ya,” seryoso pa ring sabi niya at nilingon ako.

“Bakit naisipan ni Ma’am ’yan?” Salubong na salubong ang kilay kong tanong.

“Hindi ko alam. Pero pumayag ako. Bes, alam mong kailangan na kailangan ni Mama na maopera, malaking tulong na ’to para sa kan’ya,” biglang lumungkot ang tono niyang sabi.

“Oo, alam ko, pero hindi ba parang mali? Sasaktan mo ’yung taong wala namang ginawang masama sa ’yo at isa pa, para lang sa pera?” hindi magandang tingnan kahit saang angulo, kahit tama pa ang dahilan niya.

“Kailangan ko ’tong gawin,” sabi niya at napabuntong-hininga.

“At isa pa, paano nalaman ni Ma’am na may sakit ang Mama mo?”

Napatigil siya sa paglalakad, ganoon din tuloy ako dahil nakakapit ako sa kaniya.

“Hindi ko rin alam,” sagot niya na nagtataka na rin.

Playful Heart (Glamorous Series #2)Where stories live. Discover now