OS26

54 2 0
                                    

"hoy, kingina niyo! nagugutom ako gusto ko makita si kairo." chat ko sa mga kaibigan kong abnormal.

"wao, di tlaga mawawala kaharutan sa katawan ah." Reply ni belle

"seryoso nga, gusto ko ng Jollibee tas gusto ko siya makausap at mayakap." saad ko

"sige Shayne, hintayin mo kame jan." sabe ng nga kaibigan ko kaya naganahan ako.

naks naman pupuntahan ako ng mga depota.

"seryoso? pupunta kayo?" tanong ko.

"muka ba kameng nakikipagbiruan Shayne?" pilosopong tanong ni Jane.

"pak yo." reply ko..

Sineen nalang nila ako kaya naman hinintay ko nalang sila sa bahay.

Wala si mama nasa trabaho pa kaya mag isa lang ako.

napatingin ako sa pintuan ng may mag doorbell doon.

tangina 7:00pm na, baket sineryoso nila sinabe ko?

"BAKET NIYO SINERYOSO YUNG SINABE--- KAIRO?!" gulat na gulat kong tanong ng biglang bumungad saken si kairo.

basa ang buhok nito na medyo magulo, naka jacket at pajama siya.

may dala din siyang Jollibee saka snacks at drinks.

napakurap kurap naman ako.

"Ano? Di mo ba ako papapasukin?" tanong nito.

nabalik naman ako sa ulirat

"p-pasok ka." saad ko, nang makapasok siya ay sinarado kona ang pinto.

pinaupo ko siya sa sofa.

"b-baket ka nandito?" utal kong tanong.

"baket? Ayaw mo bang nandito ako?" tanong nito.

"h-hindi nagtatanong l-lang ako." utal kong sagot

"Here." napatingin ako sa selpon niya ng may ipakita siya saking convo, convo namin iyon magkakaibigan.

"jane sent it, bkt sakanila mo pa kailangan sabihin? you can directly tell it to me when you really want to see me." Sabe nito saka tumayo.

"p-pero baket?" tanong ko.

"kase willing akong puntahan ka, anytime." sagot nito.

napatulala naman ako sakanya.

"pwede mo akong ichat, kausapin, guluhin at mamiss anytime." dugtong niya habang seryosong nakatingin saken.

"per---"

He cut me off

"ano? sabe mo gusto mo akong yakapin. Tititigan mo nalang ba ako jan?" taas kilay nitong tanong

napalunok naman ako.

"nakaka---" bago kopa matapos ang sasabihin ko ay bigla niya akong hinila saka niyakap.

"I really want to see you too." bulong nito saken.

"paano?" tanong ko ng kumalas ako ng yakap.

"saka di ka naman namamansin eh, kaya ayaw kitang ichat." saad ko.

"Our feelings is mutual, kung ikaw kakausap saken, willing akong pansinin ka." sabe nito saka ako inirapan.

"Ang dami mong binili ah." saad ko.

"that's for my future girlfriend, alam kong gusto mo niyan." sabe niya saka ginulo ang buhok ko.

"lahat ba ng sinasabe ko sa gc tungkol sayo ay sine send nila Jane sayo?" tanong ko.

"Exactly." sabe niya kaya natawa ako.

"tama naman sila, di sila gagawa ng paraan para magkausap tayo kung wala tayong gusto sa isa't isa." sabe niya saka ako kinurot sa pisnge.

"so, let's watch movies?" nakangise nitong tanong.

ngumite namana ako saka tumango.

kinuha ko muna ang selpon ko saka ko nabasa chat ng mga kaibigan ko.

"pinadala na namin si kairo para sayo"

"Ano na natanggap mona ba siya? WHAHAHAHA"

natawa ako saka ako nagpasalamat sa mga kaibigan ko.

mga baliw.

ONESHOT STORIESWhere stories live. Discover now