Chapter 2

2.4K 108 18
                                    

"I love you."

Minulat ko ang aking mata ng maramdaman kong may humahaplos sa buhok ko.

"Cl?" Napaupo ako habang nakakunot ang noo ko. "Anong ginagawa mo dito?"

"Gusto lang kita makita," nakangiti niyang sabi sa akin.

I'm sure narinig ko ang boses ni Grey.

"Cl, ikaw...." He blink nagpapahiwatig na hindi niya alam ang susunod kong sasabihin. "Wala."

Imposible naman 'yong iniisip ko.

"Luna, kailangan ba talaga namin pumasok sa school bukas?" tanong niya sa akin.

"Oo," sagot ko.

Niyakap niya naman ako at hindi ako makaatras dahil sobrang higpit ng pagkakayakap niya.

"Pwedeng sila nalang pumasok sa school? Dito nalang ako." Walang gana ko naman siyang tinignan.

Alam kong gusto niya lang maiwan dito para ma solo niya ako.

Nung isang araw nga nagpanggap siya na may sakit para lang alagaan ko siya. Ako naman si tanga naniwala.

Kung hindi lang binulgar ni Enzo na nagpapanggap siya hindi ko talaga malalaman. 

"Kailangan mo rin pumasok ng school. Malay mo do'n mo makikita 'yong para sa'yo." Hindi lang siya nagsalita at cold lang itong nakatingin sa akin.

What?

"Do you want me to replace you?" cold niyang tanong sa akin.

"Pwede rin," sabi ko. Akmang aalis na ako pero hinawakan niya ang dalawang braso ko dahilan para mapakunot ang noo ko.

“Boyfriend mo ba talaga ako? Why are you acting like this? Parang hindi mo ako mahal!"

"Cl, nakalimutan mo ba? Fake girlfriend mo lang ako. Nagpanggap lang tayo para paselosin si Sol." Pero parang wala kang ginawa.

"Diba sinabi ko na sa'yo na mahal na kita. I see you as my real girlfriend," sabi niya sa akin.

May pasabi-sabi ka pa no'n na bawal ako ma fall sa'yo. Ngayon ikaw 'yong na fall.

"I'm old, Cl. Hindi tayo bagay 28 year old na ako," seryoso kong sabi sa kanya. Napabuga nalang ako ng hangin. "Ano nalang ang iisipin nila kung nakikipag date ako sa bata?"

"Importante ba ang opinyon nila kaysa sa nararamdaman ko?" Natigilan ako sa tanong niya. "Wala akong pake kung matanda ka na Luna. Mahal kita, kahit anong gawin mo mahal pa rin kita."

Kahit ano naman ang gawin ko. Mukhang hindi pa rin magbabago ang desisyon niya.

Natigilan ako ng biglang may narinig akong nabasag. Agad naman ako lumabas at nakita kong nagsusuntukan si Hevis at Eros.

"What the—" Agad naman ako lumapit sa kanila. "Itigil niyo nga 'yan! Ano ba?!"

"Dapat sa'yo! Mawala na rin 'yong isang mata mo!" sigaw ni Hevis.

Tumawa naman si Eros na parang nababaliw na.

"Kambal tayo diba? Ibigay mo nalang sa akin 'yong isang mata mo, Hevis!" nakangiting sigaw ni Eros.

"Guys, ano bang nangyayari sa inyo?! Hindi dapat kayo nag aaway. Mag kambal kayo diba?" Nagulat ako ng agad ako hinila ni Eros.

"He doesn't love me, Luna. Hindi ka niya kayang sumuko sa'yo, lalabanan niya ako para lang makuha ka niya," mahinahon niyang sabi sa akin.

Chasing Love: Eight Boys Obsession 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon