Chapter 32

587 35 5
                                    

"B-but..."

"Luna, kahit sila, 'yon din ang gusto nila," seryoso niyang sabi sa akin.

Napakagat nalang ako sa labi. Naiinis ako, wala akong magawa. Ang kaya ko lang gawin is sunugin ang libro para mawala na si Gray pero ang masakit is kasama 'yong mga boys.

Pinasaya nila ako kahit sa kunting panahon. Nandyan sila kapag kailangan ko. But now, kailangan rin nila mawala. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari. Sana pinagtuunan ko sila ng atensyon.

Pinunasan niya 'yong luha ko. Hindi ko napansin na tumulo na pala 'yong luha ko.

"Luna, I know makakaya mo. Magtiwala ka sa sarili mo, because kung hindi mo papatayin si Gray, alam kong buburahin niya rin sa mundo ang 8 boys. It will still the same ending." Napaisip ako sa sinabi niya. He's right, am i selfish? Ayaw kong mawala sila sa mundo. Napamahal na sila sa akin. "Luna, it's for your own good. Alam mo kung bakit sila nagmamadali? Because they know na hindi sila magtatagal dito sa mundong 'to. They prioritize your safety before their own interests, Luna. So please, don't waste it."

Ngumiti ako at niyakap si Chris, "Thanks Chris, dahil nandyan ka para tulungan ako."

"Luna, sa sinabi ko noon. Seryoso ako, I really love you. So please be c-careful." Nanlalamig na 'yong katawan niya. Napatulo 'yong luha ko.

"No, hindi ka pwede mawala! You idiot!" Ngumiti lang ito dahilan na mas lalo ako nakaramdam ng lungkot. "Don't leave me, Chris!"

"Hindi mo tadhana ang mamatay, Luna. You need to stay alive para sa sarili mo at sa taong n-nagmamahal sa'yo. Thank you... dahil sa kunting panahon, napasaya mo ako." Pagkatapos niya sabihin ang mga katagang 'yon ay nawalan siya ng malay. 

Na reincarnate siya para protektahan ako. Una si Kiel, ngayon siya naman?! Bakit hindi ko kayang magprotekta ang taong importante sa buhay ko?!

"Oh, he's dead." Natigilan ako ng marinig ko ang boses na 'yon. Dahan-dahan akong napalingon sa kanya.

"P-paano?" Nilapit niya ang mukha niya sa akin dahilan para mas lalo akong kabahan.

"Kahit saan ka magpunta, Luna." Hinawakan niya ang pisnge ko. "Hindi ka makakatakas sa akin."

•••

Dahan-dahan kong minulat ang aking mata at nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Ito 'yong lugar noong una kami nagkakilala.

"Hindi ka ba nakaramdam ng konsensya, Liam?" Ngumiti ito ng binanggit ko ang peke niyang pangalan.

"Never ako nakonsensya, Luna." Nilagay niya ang kape sa table habang nakakalokong nakatingin sa akin. "Kung gagawin ko lang naman 'yon para sa'yo. Ba't ako makokonsensya? After all, sobrang mahal kita."

"Sa tingin mo talaga mahal mo ako, Gray?" seryoso kong tanong sa kanya dahilan para matigilan siya. "Magkaiba ang obsession sa love, Gray. Once na makuha mo na ako. Mawawalan na ang interest mo sa akin."

"No Luna! I really love you! Kung hindi kita mahal! Edi sana, hindi ko 'to ginawa! I went this far just to see you again! Naghintay ako ng ilang years para lang makasama ka ulit! Luna! I-i did everything!"

Parang tuluyan na nga siyang nabaliw.

"Hindi pa rin ako naniniwala na mahal mo ako, Gray," seryoso kong sabi sa kanya. Lumapit ako at seryoso lang nakatingin sa kanya. "Nag alala ka ba kung ano ang mararamdaman ko? Naisip mo ba kung magiging masaya ba ako sa ginawa mo? You're selfish, Gray! Lahat ng ginawa mo ay para lang sa sarili mo! At hindi sa akin!"

"Because I've had enough! I'm done being a nice person at sa huli?! Ako lang naman din ang kawawa! Mabait ako dati! Sinunod ko lahat ng gusto nila! Pero inabuso nila 'yon? They took you away from me?! Lalo na si Kiel! He took you away from me?!"

"Wala siyang kinuha sa'yo, Gray! Dahil kahit kailan hindi kita ako naging sa'yo!" Natigilan siya sa sinabi ko. Napahinto ako, mukhang nasobraan na 'yata ako. "I treat you as a friend, Gray. Hindi kita mahal kagaya ng ini-expect mo."

"Why? Bakit hindi mo kayang i-appreciate lahat ng effort ko para sa'yo, Luna? I'm doing this just because of you. Kung wala ka sa tabi ko, wala ng saysay na nag exist pa ako." Nagulat ako ng hinila niya ako at niyakap. "Luna, you're my only light. Please, stay with me."

"I'm not your light, Gray." Agad ko siya tinulak. Tama nga ang hinala ko, may balak siyang saksakin ako sa likod kagaya ng ginawa ko noon.

"Matigas talaga ang ulo mo, Luna. Ang hilig mo akong saktan."

I chuckled, "Kahit anong gawin mo, Gray. Kahit bigyan ako ng bagong buhay ulit. Hindi pa rin kita pipiliin."

Napahawak ito sa dibdib at parang nasasaktan. I rolled my eyes.

"Ouch naman, Luna. Kawawa naman pala 'yong 8 boys nung nakasama mo pa sila. I'm sure nasasaktan sila araw araw." Natigilan ako sa sinabi niya. "They truly love you, Luna. Ngunit hindi ka naniniwala sa kanila."

"I don't—" Nagulat ako dahil ang lapit na namin sa isa't-isa. Hinawakan niya 'yong pisnge ko.

"I know si Kiel lang 'yong gusto mo. But Kiel is gone," nakangiti niyang sabi sa akin.

"This is all your fault! You ruined my life, Gray!" Agad ko siya tinulak. Tumulo na naman 'yong luha ko. "Ano bang ginawa ko sa'yo? Why do you always take them away from me? Do i deserve this?"

"Oh Luna, kung sumama ka lang sa akin. Hindi na sana 'to mangyayari," malungkot niyang sabi sa akin. Sumeryoso ang tingin ko sa kanya. Malungkot lang siyang nakatingin sa akin.

Pero alam ko na masaya siyang nakikita akong ganito.

"You bastard." Tumawa ito na parang nasisiraan na talaga siya ng bait.

"Luna, why don't you just relax and enjoy this moment with me?" Binigay niya sa akin ang kape at umupo siya sa harap ko habang tinitigan ako.

"Hindi ako masaya na kasama ka," seryoso kong sabi sa kanya.

"Pero magkakasama na tayo habang buhay?" Are you sure about that? Sa tingin mo hahayaan kita? "Because even if you run away from me. Hindi ka makakatakas sa akin."

Chasing Love: Eight Boys Obsession 2Where stories live. Discover now