CHAPTER 10

29 26 0
                                    

MAXINE POV

"Maxine gising na, malalate na tayo!" narinig kong sigaw ng kung sino.

Shit! Sino ba yun? Aga aga eh. Tumayo na ako ngunit nakaramdam ng sakit sa ulo.

"Fuck! Hindi na talaga ako iinom." inis na sabi ko.

Dumiretso muna ako sa banyo para mag hilamos ng mabawas bawasan naman yung sakit ng ulo ko.

"Maxinee! mag ayos kana!" rinig kong sigaw ni Bea.

"Oo na, saglit!" sigaw ko sakanya.

Pumunta na ako sa pintuan para buksan yun. Nakita kong nakabihis na siya.

"7:30 na kaya mag ayos kana!  Juskoo! Maxine! kanina kapa namin kinakatok!" sabi niya.

"Will you just please shut up? Umagang umaga ang ingay mona tsk! Sige na mauna na kayo mag aayos pa ako." sabi ko sakanya.

Hindi kona hinintay yung sasabihin niya ay sinara kona ulit yung pinto.

"Teka hoy Maxineee!" sigaw niya sa labas ng pinto ko.

"Ingay mo! Get out!" sigaw ko sakanya.

Dumiretso na ako sa banyo para maligo at magbihis ng uniform.

FEW MINUTES LATER

Tapos na ako at nakauniform at nakalagay nadin ako ng kung ano ano sa katawan mo para sa pag didisguise namin.

"Damn this!" inis na sabi ko habang nakahawak sa ulo ko.

Hindi na talaga ako iinom, ayaw kona. Kung alam kolang na ganito ang mangyayari hindi na sana ako uminom. Lumabas na ako ng kwarto habang hinihilot yung ulo kong masakit.

"Oh nandyan kana pala." sabi ni Nathalie pagkalabas ko.

Nandito pa pala sila.

"Ay wala kaluluwa kolang 'to, tsk." sabi ko sakanya.

Hindi nalang siya nagsalita.

"Oh gamot sa hang over." biglang singit ni Samantha.

Napatingin ako sakanya at sa hawak niya bago nagsalita..

"Wag na. " malamig na sabi ko sakanya.

"Maxine yung tungkol sa mga Kuy--" sabi niya pero pinutol ko.

"Wag ngayon." malamig na sabi ko padin sakanya.

Napayuko nalang siya, ayaw ko pa siyang kausapin.

"Mauna na kayo, may pupuntahan lang ako." sabi ko kala Nathalie.

Tumango naman si Nathalie alam niya naman sigurong iniiwasan kopa si Samantha gusto ko ding magpalamig muna.

"Sabay sab--" naputol ang sasabihin ni Bea.

"Wag ka ng madaldal, mauna na tayo." sabi ni Nathalie.

Lumabas na ako sa dorm namin at dumiretso sa garden dito sa Academy. Eto yung pinuntahan namin nila Bea nung nakaraan. Pagdating ko dun ay umakyat na ako sa puno mababa lang naman kaya keri kong umakyat. Pag akyat ko ay kumain muna ako ng lolipop, favorite ko 'to.
Umiglip muna ako saglit tutal mamaya pa naman simula ng klase.

FEW MINUTES LATER.

Kringgggg!!

Nagising ako ng marinig ko yung bell tatalon na sana ako mababa kaso nalaglag yung lolipop na kinakain ko.

"Sayang.." bulong ko.

Tumalon na ako pababa kaso nagulat ako ng pagtalon ko ay may naapakan ako. Teka ano yun?

Her First Love is a Gangster [ON GOING]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz