CHAPTER 17

23 16 0
                                    

MAXINE POV

Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makarating ako dito sa garden.

Kailan ba 'to matatapos? Una nalaman kong gangster sila Kuya tapos nilihim nila yun sakin. Ngayon naman eto si Ash, siya pala yung kababata ko dati tapos nagsinungaling din siya sakin.

"Puro nalang kasinungalingan. Parang napapalibutan ako ng mga taong sinungaling." biglang usal ko.

Nagulat nalang ako ng may marinig akong nagsalita sa likod ko.

"Wag ka kase agad magtitiwala." sabi ni..

"Shun.. " sabi ko.

Ngumiti naman siya at tumabi saakin.

"What are you doing here?" tanong ko sakanya.

"Nasa cafeteria ako kanina pero hindi ako lumapit sainyo tapos nakita kitang tumakbo kaya sinundan kita." sabi niya.

Napatango naman ako.

"Care to share your reason why your running away from them.. from Ash?" biglang tanong niya kaya napatingin ako sakanya.

"Ahm.. pwedeng sa susunod nalang?" mahinang tanong ko sakanya.

Napatawa naman siya at ginulo yung buhok ko.

"Haha sige. Teka may gagawin kaba? or papasok kaba?" tanong niya.

Umiling naman ako.

"Good. Tara sama ka sakin may pupuntahan tayo." nakangiting sabi niya.

"Saan?" tanong ko.

"Sa bahay namin." sabi niya.

Napaisip naman ako.  Pwede ding sumama ako sakanya. Ayaw ko din namang pumasok kase makikita kolang yun tsk.

"Bawal lumabas diba?" tanong ko sakanya.

Alam ko kase bawal lumabas depende nalang kung papayagan kami ni dean.

"Akyat tayo bakod kase hindi naman tayo papayagan kapag nagpaalam tayo." sabi niya.

Tumango naman ako at tumayo.

"Tara na!" sabi ko.

Tumango naman siya at tinahak nanamin yung daan kung saan yung bakod na tinutukoy niya. Mayamaya ay nakarating naman kami sa likod ng building namin.

"Ikaw mauna,  aalalayan kita." sabi niya.

"Nah,  i can manage." sabi ko sakanya.

"Are you sure?" tanong niya.

Tumango naman ako. May nakita akong puno kaya umakyat ako dun para makaapak sa taas ng bakod at makalabas na. Nakaakyat na ako kaya dinungaw ko siya mula sa baba.

"Tara na! Napakabagal mo naman tsk tsk." iiling iling na sabi ko.

Napakamot naman siya sa ulo niya pagkatapos ay umakyat din ng puno.

"Talon!" sigaw ko.

Hindi kona hinintay ang sasabihin niya at tumalon na ako kaso mali yung pagkatalon ko kaya ang ending bumagsak ako una yung pwet.

"Max!" sigaw niya.

Naramdaman ko naman siya sa tabi ko. Siguro tumalon agad siya pagkatapos ko tumalon.

"Aray,  letse naman!" reklamo ko.

"Hindi kase nag iingat." sabi niya.

Inalalayan niya naman akong tumayo.

Her First Love is a Gangster [ON GOING]Where stories live. Discover now