CHAPTER ONE

2.4K 116 9
                                    

HER' POV

'Bat madilim?' saad ng isip ko pagmulat ko ng aking mata.

'Am i dead?' bumangon na ako sa pagkahiga.

"Gising ka na pala" saad ng babae at may bigla nalang lumitaw na liwanag sa harapan ko at nang makita ko ito ay....

'goddess' ang ganda niya.May light ocean na buhok,matangos ang ilong,pinkish lips inshort perfect face.Nakagown din ito na light ocean tas sa bandang ibaba kulay light purple.

"Sino ka? Bakit ako nandito dapat nasa langit na ako .Impyerno ba to?"tanong ko sa magandang babae na nasa harapan ko.

"Ako si Goddess Casheoipea ang Goddess of Life.Sa puntong ito ikaw ay namatay sa totoo mong katawan kaya ka nandito."ani nito sakin.

Naalala ko na namatay ako mula sa sakit na cancer.
'hala yung pinangako ko kay mama' saad ng isip ko. 'Dapat good ghost nako yung tipong hindi ligaw pero' napatingin ako sa babae.

"Bakit ako nandito? Saan ako? Anong kailangan mo sakin?" Sunod-sunod kong tanong at nilibot ko ang aking paningin,tsk wala naman akong makikita kundi puro itim ang dilim kasi.

"Bibigyan kita ng pangalawang buhay subali't ayusin at ipaglaban mo ang mundo kasama sila kung saan kita ilalagay,kumbaga mission mo ito para mailigtas ang mga taong naninirahan doon,sapagkat ilalagay kita sa katawan ng babaeng malakas ang kapangyarihan."ani nito.

"Pero bakit ako?" WHY ME?! 

"Ikaw lang ang nakikita kong may potential para iligtas ang mga tao doon laban sa mga darkians"ani nito.

"Anong darkians?" malay ko ba anong nilalang yun.

"Sila ang mga kalaban ng mga taong iliiligtas mo" OKAY?

"So, sinong babae sasaniban ko ay esti kaninong katawan papasukin ko ay buang mali kaninong katawan moko ilalagay?" ayus na yan diba?

"Malalaman mo pagmulat mo ng iyong mata at andun kana sa katawan na iyon."saad nito at nanlalabo na ang paningin ko.

                                                                        ****

Pagmulat ko ng aking mata ay tumambad sa akin ang puting kisame syempree nakahiga ako e common sense nga.Nilibot ko ang aking paningin sa kwartong pinaglalagyan ko.Siguro mahilig sa pink ang may ari ng katawan na ito e halos pink lahat ng gamit.

Bumangon na ako sa higaan ko at grabe nakagown ako taray.Pumunta ako sa isang kwarto at napagtanto kong cr pala to infairness ang ganda ng cr mamayamanin sanaol.Nilibot ko muna ang loob ng cr bago tumingin sa salaman.

(☉。☉)!

"Ywaaaaaa!!!!" Sigaw ko.Kinginang mukha kasi parang galing ata to sa children's party at siya ang ginawang clown, seriously?!

Blag!!

"Prinsesa Natasha?!" sigaw ng kung sino sa labas ng cr.

Napatingin ako sa pinto ng cr at nakita ko ang mukhang nag aalalang babae.Siguro maid ito kasi nakasuot ng maids uniform eh pero luma.

"Anong nangyari prinsesa Natasha? May masakit ba sayo?" tanong nito sakin at inalalayan ako.

"Hep hep hep! Sino ka?" tingin ko sa kanya at nagulat naman ang hitsura nito habang nakatingin sakin.

"D-di moko kilala prinsesa? Dapat malaman ito ng hari at reyna!" tumakbo siya palabas at iniwan ako amp.

'bahala na nga'

REINCARNATED AS A VILLAINESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon