Chapter 22

144 12 7
                                    

CHAPTER 22



Maaga akong nagising kinabukasan para gumayak na dahil maaga rin akong susunduin ni Zihyun. Pupunta ako sa opisina niya ngayon.



Puting blouse ang suot ko na naka-tuck in sa black pencil skirt, sinamaham ko na rin ng black coat para pag nilamig ako ay 'yon ang ipapatong ko. Black flat shoes ang suot ko dahil nabasa ko na hindi p'wedeng mag takong ang mga buntis. Kahit hindi pa naman malaki ang tiyan ko, mas mabuti na ang nag-iingat.




Paglabas ko sa kwarto ay agad na kumunot ang noo ko nang marinig ang ingay mula sa baba, kaya naman ay bumaba ako kaagad ng hagdan.



Limang pares ng mata ang dumapo sa direksyon ko nang tuluyan na akong makababa, halos pamulahan ako ng mukha dahil sa hiya nang makitang kasama ni Zihyun ang mommy at daddy niya.


"Oh, there she is." Boses ni Mama ang nangingibabaw sa buong sala.


"G-good morning po, " I greeted them and smiled.


" You're so gorgeous! I like your style, sweetie! " Zihyun's mother giggled.



" Thank you po! " I smiled, bumaling naman ako kay Mama na mukhang naghihintay din sa sasabihin ko, " Mag pa-paalam po sana-"



"Oh, no need, honey. Pinag paalam ka na sa amin ni Zihyun," Putol ni Mama sa sasabihin ko at agad naman akong tumango.


Lumapit si Zihyun sa akin at agad na pinalibot ang braso niya sa bewang ko.


"Good morning, love."


"Good morning," Bati ko sa kanya pabalik.


"Alis na kayo, maguusap pa kami ng kumare ko about the party, bye. Take care," Pagtaboy pa ni Mama na agad naman ginatungan ng mommy ni Zihyun.



"Bye-bye," ani ng mommy ni Zihyun at kumaway pa.



Naiiling na masuyo akong iginaya ni Zihyun palabas ng bahay, inalalayan niya ako na makasakay sa shotgun seat bago isinara ang pinto at nagtungo sa kabilang bahagi ng kotse at pumasok na rin.



"I cooked your breakfast. Do you want to eat it, now?" Tanong niya habang mina-maniobra ang kotse.



" Hmm...mamaya na lang pagdating natin sa opisina mo," Sagot ko at tinitigan ang mukha niya. "Nasabi ko na ba sayo na gustong-gusto ko ang labi mo?"



Natawa siya at sinulyapan ako saglit, "Nah," Sagot niya.



"Zihyun Jaire?!" Pagtawag ko sa buong pangalan niya.




"What is it, Dianara?" Natatawang sagot niya, " Your name is too long,"


Humalakhak ako sa huling sinabi niya at agad ding tumigil saka pinakatitigan ulit ang labi niya, "Gusto ko yung labi mo." Wika ko.


"Labi ko lang ba talaga?"


"Oo. Assuming ka! Ihulog kaya kita sa kotse mo, tingin mo gusto kita? Hindi kaya." Pagtanggi ko pero agad din na-realize na nagtunog defensive ako roon. Galing ko naman magsinungaling! Note the sarcasm, please.




Mag-asawa naman na kami pero hindi pa rin ako sanay na sabihin sa kanya yung nararamdaman ko nang harap-harapan, kaunting adjust na lang.




"Uh-huh," Nakangising tumango si Zihyun na para bang hindi siya naniniwala lalo na nang kagatin niya ang pangibabang labi niya at pinipigilan na tumawa pero nang sulyapan niya ako ay halata na natatawa talaga siya dahil sa dimple niya na nagpapakita.



Marked By The PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon