Chapter 5

458 39 7
                                    

Hindi ko alam kung anong oras na kaming natulog ni Luther. Madaling araw na yata 'yon? Panay lamang ang halik niya sa akin magdamag. Sino naman ako para tanggihan at tulugan siya? Isa lamang akong nahihibang at marupok na patatas.

"Mare, ayaw niyo ba talagang sumama? Sama na kayo ni Dwayne." Salita ko sa kabilang linya.

Inaaya ko silang mag mall dahil mag ma-mall kami ni Luther. First date namin 'to, huwag kayo.

"Take your time nalang, Rae. Ngayon lang din makakalibot si Luther nang walang batang alagain. I have plans naman with Dwayne today."

"Oh siya sige. Hindi na kita pipilitin. Tapos na bang maligo ang prinsipeng masungit?"

"Ito na kakababa pa lang. Bilisan mo raw sabi ni Rhea." Dinig kong sabi niya kahit wala naman akong sinabi. Gawa gawa rin ng istorya 'to si Leinah e.

"Oh siya sige na. Ba-bye na, Leinah! Wait ko nalang siya rito."

"Tip ko sa'yo magpabili ka lang nang magpabili nang kahit anong gusto mo. Bibilhin niya lahat promise." Dinig kong bulong niya.

"Totoo, Lei? Baka mamaya isumbat niya sa akin kapag nag away kami."

"Gaga, hindi 'yan. Galante 'yan ako na nagsasabi sa'yo. Sobra!" Tumatawa na sabi niya.

"Sige sige. Susundin ko 'yan!"

"Sige. Enjoy!"

Namatay ang tawag at hindi maalis sa akin ang excitement. Nilista ko lahat sa isipan ko ang mga bagay na ipapabili ko sakaniya sa mall. E kung ipabili ko kaya mismo 'yung mall? Bibilhin niya kaya para sa akin? Pero ang kapal naman ng mukha ko kung ganon.

Natigil ang pag iisip ko nang marinig ko ang busina ng kotse sa labas. Mabilis akong tumakbo at naabutan ko si Luther na pinagbubuksan pa ako ng pinto. Gentledog naman pala ang fuckboy. Mahilig kaya siya sa dogstyle? Charot!

Lumapit ako sakaniya at papasok na sana ako nang hilahin niya ang kamay ko.

"Bakit?"

He suddenly kissed me for a minute at humiwalay din naman siya kalaunan. Napangiti na lamang ako sakaniya at pumasok sa loob. Hindi man lang nag hello, halik agad! Iba rin e. Pumasok din siya sa loob at seryoso ang mukha nito. He started driving at hindi ko maialis ang paningin ko sakaniya. Na aamaze ako kung paano siya mag drive.

"Ang gwapo mo no?"

"I know."

"Ang swerte ko naman." Tumatawa na sabi ko habang nakatingin pa rin sakaniya.

Ikinawit ko ang kamay ko sa braso niya saka ko isinandal ang ulo ko sa balikat niya. Kumakapit sa ilong ko pati sa damit ko mismo ang pabango niya. Grabe, ang bango!

"Gumagamit ka ba ng downy?"

"No."

"Perfume lang?"

"Yep."

"Ang bango mo. Aware ka ba ron?"

"Yes."

"Paano ko ba mapapahaba ang mga sagot mo sa akin?" Inis na tanong ko.

"Kiss."

"Mukha kang kiss. Nyeta ka."

He just shrugged his shoulder as an answer. Nang makarating kami sa mall ay ipinark niya ang kotse niya. Bumaba kaming dalawa at agad niyang hinawakan ang kamay ko at ipinagsalikop ito. Napatingin ako sakaniya at diretso lamang ang tingin niya na para bang wala lang sakaniya ang pakikipag holding hands sa akin.

"Where do we go first?" He asked nang makapasok na kami sa loob.

"Kain muna tayo?"

"Saan mo gusto?"

Walk Her Down The AisleWhere stories live. Discover now