Chapter 1

679 35 6
                                    

Mabilis akong pumasok ng apartment nila Leinah. I couldn't stop crying while the pain in my heart is aching non-stoply. Hindi ko naman ini-expect na mararanasan ko ito. Na mangyayari ito sa akin.

Who would have thought that my boyfriend would end our relationship? Because of what? Because I lack as a woman. Because I couldn't conceive a child so he went back to his ex because his ex can! Damn. I don't deserve this!

"Tita Ninang?! Bakit ka po umiiyak? Tsaka bakit ka po single? 'Di po ba may boyfriend ka?" Tanong ni Dwayne nang datnan niya ako at sinabi kung bakit ako umiiyak.

"Iniwan niya na ako. P-pinagpalit ako sa iba."

Mas lalo akong napahagulgol. Bakit pa ba kasi ako tinatanong ni Dwayne? Mas lalo akong nasasaktan habang binibigkas ang katotohanang iniwan ako at pinagpalit sa ex!

"Bastos po 'yon ah."

Lumapit si Dwayne sa akin at mabilis niyang pinunasan ang mga luha sa mga mata ko. Napatingin ako sakaniya habang seryoso siyang nakatitig sa akin at para bang pati siya ay maiiyak na anytime.

"Tita Ninang, huwag na po kayong umiyak. Naiiyak na rin po ako." Pigil luhang sabi nito at mabilis akong ngumiti sakaniya.

Si Dwayne 'yung tipo ng batang kagigiliwan mo. Kaya tuwing iniiwan siya sa akin ni Leinah para alagaan at bantayan, ay tuwang tuwa ako. Lagi niyang pinaparamdam sa akin na love na love niya ako kahit hindi naman niya ako tunay na Mommy. He always tells that I am his second mom, and that he loves me so much as much as he loves his mom. Super duper na pagmamahal na rin ang na invest ko sa batang 'to. He is like my own son.

"Oh, sige na. Hindi na ako iiyak."

"Is your heart okay? Is it painful po ba?" Maamo na tanong niya at tumango na lamang ako.

Pinwesto niya ang maliit na kamay niya sa may kaliwang dibdib ko. He pats it slowly that makes me smile.

"Pain pain go away. Pain pain go away." Paulit ulit na kanta niya. "Masakit pa po ba?"

"Hala magic! Nawala!" Masaya na sabi ko at pumalakpak ito.

He hugged me and started kissing my face. Nakangiti lamang ako habang yakap din siya. Somehow, it lessen the pain of my heart.

"Sa'yo ba 'to?" Tanong ng isang lalaki na ngayon ko lang napansin. Napalingon kami sakaniya at nagulat ako. Hawak hawak niya ang dala dala kong JD na nasa plastic. Sino 'to?!

"Who are you?!" I asked and Dwayne walked beside him.

"He is my Dad!" Sagot ni Dwayne.

Huh?

"Anong Dad?! Tatay mo 'yan?!" Gulat na sigaw ko at hindi makapaniwala sa narinig ko.

Ito na 'yon?! Ito ba ang nanloko kay Leinah?! Bakit? Bakit ang gwapo naman?!

Pero sandali, si Leinah?

"Nasaan si Leinah?"

"Nasa work po Tita." Sagot ni Dwayne sa akin. Binalingan ko ang lalaki na nakatayo at nakatingin sa amin.

"Oo sa akin 'yan. Iinumin ko 'yan mamaya. Akala ko kasi nandirito si Leinah. Aayain ko sana."

"Bukas pa po ang uwi niya Tita Ninang. Bukas nalang po kayo uminom."

"Hindi. Iinumin ko 'to ngayon tapos bukas ulit."

"Ganyan po pala kapag broken? Napapagaling po ba niyan ang heart niyo?"

"Oo." Sagot ko na lamang.

"Sige po ubusin niyo po 'yan para tuluyan po kayong gumaling. Even it will destroy your liver."

Walk Her Down The AisleWhere stories live. Discover now