003

25 5 0
                                    


003

EFFORT

AMETYST POV:

I SWEAR being accepted as a kid of your mom and dad is a big blessing even if you're an adopted child. But when they did nothing but made you feel something that you're not really into is a bad practice of being a parent.

After I and Gabriel talked, he told me na next day nalang daw siya magpapaturo dahil next week pa naman ang coming exam, ibang subjects.

Nasa kila Leon ako. I'm with his girlfriend na nuknukan ng arte, parang gusto kong manampal ng at hablutin yung kilay niyang mas mataas pa sa Mount Everest.

“Leon,” I called him kasi gusto ko nang umuwi. May pupuntahan pa pala akong gig, or should I say sideline ko para kumita. He looked at me, currently raising his two brows.

“Why?” he asked, he turned his head back to the book — listening to my reason of leaving. 

“Uuwi na ako tol, pupuntahan ko pa si Charleston eh. May pinapagawa ngang assignment diba? Sige,” Tumayo na ako at tinignan si Kris ng may maliit na ngiti sa labi.

“Ayaw mo bang kumain muna? Diba hon?” tanong ni Kris sakin at kay Leon.

I made a face in my head, hon nye nye.

“Ah-huh,” sabay tango ni Leon.

I grunted, “Ay wag na. Aalis na ako, maybe tomorrow nalang oks ba yun?” tanong ko sa kanila.

“Sure, ikaw bahala Ame,” sabi naman ni Kris sabay akbay kay Leon.

Napaismid ako saglit. Ang bantot naman pag siya yung nagsabi ng nickname ko, tsaka may sinabi bah akong tawagin niya akong Ame? Eshusme ang nickname ko is Sushi. Suchi.

"A-ah oo naman, bye na," I replied as I walked to the door.

Mabilis pa sa alas kwatro akong nakakita ng jeep at sumakay. Actually, we're not too rich. We're at the middle class. May kotse pero hindi ginagamit dahil hindi marunong magmaneho, may mga mamahaling damit ako pero hindi nasusuot, may mga relos at alahas but I don't really like them, ika nga nila, ang simple ko daw magsuot ng damit na hindi bagay sa mukha ko na maganda.

I smirked, para mapatingin sakin si Manong may dalang manok. I raised a brow at him. He looked at me intently, napangiwi ako at napatingin sa labas— nasa kanila Charleston na to malapit na.

"Manong para nga!" sabi ko sabay hampas kay ate na katabi ko yung pera, "Pakiabot po, pwease," saad ko saka sakto  naman na huminto yung jeep.

Naglakad na ako patungo sa gate nila ni Tamad boy tsaka hinanap yung duplicate key sa may taniman. Alam ko to kasi nakita ko mama niya may kinuha dito.

Ayon! Kita ko na.

Pagpasok ko sa bahay nila nakita ko kaagad siyang nakahiga sa couch. “Hoy, tamad boy, bangon.”

Umiling siya habang umuungol, I don't expect him to be like this. Suntukin ko kaya to? Hinawakan ko nalang yung baso sa may cabinet at ready na sanang ibuhos pero nag ring yung cellphone ko.

“Anak ng tupa naman oh...”

Dali dali kong kinuha yon at tinignan ang caller's Id, It's Leon.

Sinagot ko yon, “Patawag ka?” tanong ko sa mahinang boses. Kailangan kong hinaan ang boses ko para di magising si tamad boy, baka maudlot na naman plano ko.

“Wala, just gonna check on you... Uhm, you there na?” tanong ni Leon sa kabilang linya. Tangek ba to? Baka anong sabihin ni Kris.

I snorted a bit, “Wao, Oo tol, andito nako, tsaka bakit ba? Baka marinig ka ni Kris ano pa sabihin nun.” Agad ko namang pinigilan yung baba kong pilit bumubuka.

Magkaibigan lang ba talaga? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon